CHAPTER 15

7 2 0
                                    

Pagkatapos naming kumain ay umalis din agad si Tinay para makihalubilo sa mga kapamilya niya, o di kaya'y makipagkilala sa mga anak ng kaibigan ng mga magulang niya.

Kami namang dalawa ni Carl ay nanatiling nakaupo at nakatingin sa kawalan. Ewan ko nga din sa lalaking 'to eh, kanina ko pa ding napapansin na panay ang tingin niya sa relos niyang suot, hindi din siya mapakali sa kinauupuan niya, para na ngang sinisilaban yung pwet eh.

"Uy ano bang nangyayari sayo dyan?... Ayos ka lang ba, 'bat parang hindi ka yata mapakali sa upuan mo ha?" nagtanong na ko kasi hindi ko na talaga mapigilan.

"A-ah wala, wala lang 'to. Wag mo na lang pansinin h-hihi." kinakabahang sabi naman niya. Wala daw, sus bakit parang meron.

Hindi ko siya sinagot ng makita ko sila mom at dad na papalapit sa gawi namin. Pareho silang nakangiti kaya ngumiti na lang din ako sa kanila pabalik. Pagkalapit nga ay kiniss pa muna ako ni mom sa noo habang si dad ay nginitian ulit ako.

"Okay lang ba kayo dito ha princess?'' tanong ni dad sakin.

"Ah yes po, okay naman kami dito kaya wag po kayong magalala."

"Oh that's good, sabihin niyo lang samin kung may kailangan pa kayo ha?"

"Opo..." nakangiti ko na namang sabi.

Panandalian pa silang nagstay dun sa table namin hangang sa may tumawag na sa kanila na sa tingin ko ay mga kakilala din nila, kaya tumingin pa muna sila sakin na parang nagpapaalam.

"Okay lang po, puntahan niyo na po sila at mukhang may sasabihin sila sa inyo. Wag po kayong magalala at nandito lang po kami ni Carl." nakita ko pa yung pagaalinlangan sa mga mata nila kaya tumango tango pa ako para ipakitang okay lang talaga.

"Hmm... sigurado ka bang okay lang sa inyong iwan ulit namin kayo dito ha?"

"Yes dad, okay naman kami dito kaya no worries and besides hindi naman ako iiwan ni Carl eh, right Carl?" baling ko naman sa katabi ko.

"Y-yes tito, ako na pong b-bahala sa kanya." alanganing sabi naman niya.

"Sige kung ganun naman pala ay punta muna kami sa loob ha, tawagin niyo na lang kami pag may kailangan kayo.'' sabi ni dad saka na tumayo at inalalayan si mom para tumayo din.

Tinignan pa nila kami at saka nagpaalam saglit at saka naglakad na, pero hindi pa man nga sila nakakalayo ay tinawag na agad sila ni Carl.

"A-ah t-tito may s-sasabihin po sana a-ako." halatang kinakabahan siya nung sabihin niya yan. Muli silang tumingin samin saka nagtatakang napatingin kay Carl.

"Ano yun iho?...okay ka lang ba, bakit parang kabado ka ata?" nagtatakang sabi ni dad.

"T-tito p-pwede ko po bang ipagpaalam si Trin?, ilalabas ko lang po sana siya sandali." naguguluhan naman akong napatingin sa kanya pero halatang iniiwas niya ang tingin niya sakin.

"Saan pa ang punta niyo iho, baka naman ay sobrang layo niyan ha?"

"Hindi po, actually sa park ko lang talaga sana siya dadalhin eh, yun po ay kung papayag po kayo?" nahihiyang sabi niya pa.

"O sige basta ba ay magiingat kayong dalawa, at iingatan mo siyang mabuti?" seryoso ng sabi ni dad, kaya kahit ako man ay napatungo na lang din.

"Opo, promise po magiingat po kami at  iingatan ko din po siya."

"Yun naman pala eh, kung ganun ay bumalik lang kayo dito ng maaga ha at babalik pa tayo sa hospital."

"Yes po." nangingiti ng sagot ni Carl, habang parang kumikislap pa ang mga mata niya.

"Siya nga din pala, wag kayong masyadong magpapagod ha, lalo ka na anak, alam mo naman ang kondisyon mo diba?" baling din sakin ni dad.

"Yes dad, thank you po at pumayag kayo." masayang sabi ko.

"No problem basta para sayo. So ano pang hinihintay niyo, hindi pa ba kayo aalis?"

"Aalis na po tito, salamat po ulit sa pagpayag."

"Oo na, kaya sige na't umalis na kayo ng makabalik kayo ng maaga." at saka niya tinapik sa balikat si Carl.

Ginulo pa niya yung buhok ko at kiniss ako sa noo, habang si mom naman ay ngumiti lang sakin saka kumaway. Tinanaw na lang nila kami hangang sa makalabas nga kami sa bahay nila Tinay.

Hindi na namin siya nakita nung papalabas kami kaya kila tito DJ at tita Blythe na lang kami nagpaalam at sinabing sabihin na lang kay Tinay. Si yaya Lina naman ay nakita pa naming masayang nakikipagusap sa ibang tao dun kaya hindi na lang namin sila inistorbo't umalis na nga lang agad.

Inalalayan niya akong makasakay ulit sa kotseng dala namin, pero hindi tulad kanina ay nasa unahan na ako nakaupo katabi niya na nasa driver's seat.

Ito na okay na ko.
Masaya na ko't nakasama ko sila.
Masaya na kong naging parte ng buhay nila.

Sana nagawa kong pasayahin sila kahit na sa limitadong oras na nga lang.
Kahit na sa huling mga araw ko na lang...






TREE OF INFINITYWhere stories live. Discover now