CHAPTER 2

21 3 0
                                    


Pagkamulat ng mga mata ko, unang bumungad sa akin ay ang lumuluhang mga mata ng aking ina.

"Mom bakit po kayo umiiyak?" tanong ko sa kaniya ng naka ngiti kahit na mukhang alam ko na ang isasagot niya.

"Nothing princess I just miss you." agarang sagot niya kahit na alam kong nagsisinungaling siya ay pinagsawalang bahala ko na lamang ito.

Inilibot ko ang paningin ko sa kabuohan ng kwarto ko, saka ko lamang napagtantong naroon rin sila Tinay at daddy.

"Anong meron, bakit parang may reunion ata ngayon?" pabiro kong sabi sa kanila kahit na mukhang hindi naman na ata ito matatawag na reunion dahil malapit na akong mawala.

Nakakatawa lang na imbis na maging masaya ako dahil nagsama sama ang mga mahahalagang tao sa buhay ko, ay bakit mas nasasaktan pa ako? Hindi naman na lingid sa kaalaman ko ang dahilan kung bakit sila narito at mas piniling iwan ang mga ginagawa nila para lang mabantayan ako.

Sana lang talaga ay mabigyan pa ako ng kaunting oras para naman makasama ko pa sila ng mas matagal at para na rin magkita kami ni Carl kahit alam kong malabo na yung mangyari dahil nga ano mang oras o minuto ay kukunin na ako ni God.

I hope magkita kami kahit na ilang segundo lang para naman makapag-sorry man lang ako dahil sa mga nasabi ko sa kanya noon.

"Hay, if I know kaya lang kayo nandito kasi alam ninyong any time from now ay mawawala na ako.." mapait akong napangiti matapos sabihin yun sa kanila.

"Princess wag kang magsalita ng ganyan okay?, gagaling  ka pa." dad said while pretending to be strong para sa aming dalawa ni mommy.

Nginitian ko na lamang siya bilang tugon.

"Dad can you promise me na poprotektahan mo po si Mommy kahit na wala na ako?" sabi ko kahit na nahihirapan na akong magsalita dahil sa kinakapos na nga ako ng hangin.

"Can you promise me na if ever mawala na ako sa mundo hindi ninyo iiwan ang isa't isa, dahil kung hindi mumultohin ko talaga kayo hi--hihi?" pabiro kong sabi sa kanila habang patuloy pa rin sa pag-agos ang mga luha nila.

Binalingan ko naman ng tingin si Tinay saka nginitian ng napakatamis.

"Tinay magpromise ka rin sa akin na kahit wala na ako, ay ako pa rin ang best friend forever mo ha." sabi ko saka nagpuppy eyes sa kanya, kaya napuno ang room ko ng tawanan kahit na pinipilit nilang magpakatatag at ngumiti para na rin hindi ako malungkot.

Naputol na lamang ang tawanan namin nang may biglang sunod sunod na kumatok sa pinto ng kwarto ko.

"Ma'am may naghahanap po kay ma'am Trinity." sabi ni Yaya Lina, ang mayordoma ng bahay namin.

"Sino daw po manang?" tanong ni mommy kay manang.
Maging ako ay wala ring alam dahil wala akong maalalang bisitang pinapunta ko dito.

Napailing na lamang ako saka na pangiti.
"Papasukin mo na po Manang." sabi ko dahil baka mainip na yun doon kakahintay.

Umalis na si Manang, kaya napabuntong hininga na lamang ako sa isiping wala akong inimbitahang bisita para dalawin ako.

"Anak may inimbitahan ka bang bisita para dalawin ka dito?" tanong ni Mommy ng may nagtatakang tingin.

Umiling lang ako dahil maging ako ay walang alam kung sino ba ang tinutukoy ni manang na BISITA ko daw.

Makalipas lamang ang ilang minutong paghihintay, ay nakarinig na kami ng katok sa pintuan, kaya naman dali dali itong binuksan ni Tinay dahil siya nga ang pinaka malapit dito.

"A--Anong ginagawa mo dito!?" pasigaw na turan niya habang mababakas mo talaga sa mukha niya ang galit.

"Tinay gusto ko lang sanang makita si Trinity kahit man lang saglit." sabi ng isang boses ng lalaki kay Tinay.

Hindi ko alam kung bakit pero bigla na lamang bumilis ang tibok ng puso ko ng muli kong marinig ang boses na iyon.

Ang boses ng lalaking minsang minahal ko, at patuloy ko pang mamahalin hanggang sa huling hininga ko.

"Para saan pa ha!? Para saktan at iwan ulit siya? O baka naman para paglaruan ulit yung puso niya!!?" sigaw ni Tinay habang nanggagalaiti sa inis.

"Tinay please, pagbigyan mo na naman ako kahit man lang limang minuto lang, gusto ko lang talaga siyang makausap."
Malungkot at nagmamakaawa nitong sabi kay Tinay.

"Tinay iha, sino yan?" patanong na sabi ni mommy para putulin ang namumuong tensyon sa pagitan nilang dalawa.

"Ah tita wala lang po 'to."  alanganing turan ni Tinay kay Mommy sabay ngiti ng pilit.

Nagulat na lang kami ng bigla na lamang bumukas ng marahas ang pinto, kaya napatayo na si Dad para tignan ang damuhong lapas-tangang gumawa nun.

"Sino ka… Oh, mas mabuti pa sigurong iwan na muna natin sila." nakikita ko ang pagaalinlangan sa mukha ni Tinay pero alam niyang wala na siyang magagawa pa, dahil ang mga magulang ko na mismo ang may gusto nun.

Kinakabahan man ay pinilit kong ngumiti sa kanila, dahil alam kong magaalala na naman sila.
Hinalikan lang ako sa noo ni dad at saka na sila lumabas ng pintuan ng kwarto ko.

Hinila ko naman ang kumot kong nasa may kandungan ko, ng unti unti ko ng maramdaman ang prisensya ng bisita ko daw, kaya mabilis kong inangat ang ulo ko para sana tignan ito.

At sa oras na ang mga mata namin ay magtagpo,
Na para bang kami lang dalawa ang magkasundo.

Ang mundo ko ay panandaliang huminto,
Ang puso ko ay nagkakarambola sa pagtibok.

Ngumiti siya.
Yung ngiting abot hangang tenga niya.
Pero mababakas mo ang pagaalinlangan sa mga mata niya.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, pero isa lang ang sigurado ko. Na ang lalaking mahal ko, ang lalaking kaibigan ko ay nasa mismong harapan ko.

Lumapit siya sakin at umupo sa tabing upuan ng kama ko, bitbit ang mapupulang rosas na sa tingin ko'y para sakin, at saka ito inilagay sa side table sa kanyang gilid.

Inabot niya ang mga kamay ko, at marahan itong ginawaran ng malamyos na halik. Yung luha ko hindi ko na naman makontrol, ng dahil sa parang buhos ito ng gripo sa pagtulo.

Nakatingin lang kami sa isa't isa, at panandaliang kinalimutan ang nasa paligid naming dalawa. Sinarado ang mga bintana't pintuan, at lumikha ng sarili naming imahinadong mundo…

TREE OF INFINITYOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz