CHAPTER 7

5 2 0
                                    

Marahan kong iminulat ang mga mata ko, at ng tuluyan ko na ngang magawa ito ay hinayaan ko munang mag-adjust ito sa liwanag. Grabe mabuti na lang talaga at nagtagumpay na ako, pano ba naman eh, naka ilang subok kaya ako para lang magawang magmulat ng mata.

Inilibot ko ang tingin ko sa kabuohan ng kwarto, ng mapagtantong ako lang ang nagiisa rito. Sinubukan ko namang igalaw ang kamay ko, ng mapansin kong may kung anong nakasabit dun.

May mga kung ano anong malalaking makina rin akong nakita sa tabi lang ng kama ko, na para bang ito na lang ang tanging nagbibigay suporta sakin.

Nakakalungkot mang isipin pero tanggap ko na talaga ang kahihinatnan ko, mukhang sila na nga lang talaga ang hinihintay ko.

"Thank god your awake!" Tinay said as she ran towards to my direction. Nakangiti ko siyang sinalubong ng makita kong maluha luha na naman siya.

"Anong nararamdaman mo? Okay ka na ba? Sandali tatawag lang ako ng doctor." napapatango na lang ako dahil sa hindi ko masyadong masundan ang bilis ng mga sinasabi niya.

Nagtatakbo naman siya muli palabas ng kwarto at saka ako muling iniwan dung mag-isa. Makalipas lang ata ang limang minuto ay nakabalik na siya, kasama na sila.

Mabilis na lumapit sa side ko sina Mom and Dad ng may masayang ngiti sa labi nila. Yung doctor naman na kasama nila ay lumapit lang din sakin at saka tinignan yung kung ano dun sa monitor at ibang machine.

"So far, okay naman na ang condition mo Ms. Trinity, but kailangan mo pa rin na magstay dito para sa mga therapies mo and also dahil na rin sa lalong lumalala na ang mga complications mo." sabi lang ng doctor sakin, at saka naman binalingan ng tingin ang  parents ko.

"And as for the both of you Mr. and Mrs. Salazar I'm recommending you na mas pagigtingin pa lalo ang pagbabantay sa kanya, dahil hindi naman na lingid sa atin ang kalagayan niya. Now kung wala na kayong tanong ay aalis na muna ako, just call me if my kailangan pa kayo…" the doctor said as he excuse himself to us.

Nagtinginan naman sila na para bang may sekretong ugnayan sila na sila lang mismo ang nakakaalam.

Napapailing na lang ako dahil sa mga paganyan ganyan nila. As if namang matatago pa nila yun dahil sobrang halata na sa mga kilos nila.

At ng unti unti na nga atang nagprocess sa mga utak nila na nandito rin ako ay sabay sabay naman nila akong tinignan. Alanganin naman tuloy akong napangiti sa kanila para takpan ang pagaalangan ko sa mga pangyayari.

"A--ah hi…" wala sa sarili kong sabi kaya nagtawanan sila. Nagpunta naman na sila sa gawi ko at kinamusta ang kalagayan ko.

"We're glad na gising ka na. Please wag mo na naman kaming pakabahin ng ganun ha?" dad said as if his trying to gave me a reassuring smile. Napangiti na lang rin ako.

"Hindi po ako mangangako, but gagawin ko na lang yun sa abot ng makakaya ko…"

"Aba, dapat lang noh', at saka diba nagpromise ka pa sakin na pupunta ka sa graduation ko, next week na kaya yun, kaya sana magpalakas ka na." singit naman ni Tinay. Grabe talaga 'tong babaeng 'to, hindi pa nga ako pwedeng lumabas dito pero may plano na agad. Ano yun tatakas kami, tapos pagnahuli ako ang ipangsusuhol niya?

"Hala kaylan pa ko nagpromise sayo? Bakit parang hindi ko yata matandaan yun ha?"

"Ah ganun, so sige ganito na lang kidnapin ko kaya si Carl tapos bitayin ko na rin para damay damay na." pangaasar niya pa kaya alanganin akong napatawa, kasabay ng maugong na tawanan nilang lahat.

Edi kayo na happy, tapos ako na yung hindi!

"Uy tama na muna yan ha, pagpahingahin na muna natin si Trinity okay? Tapos mamaya niyo na ulit siya guluhin." ani ng mom ko at saka na itinaboy silang lahat palabas na naman ng kwarto ko. Hinalikan na lang din niya ako at saka niyakap bago siya umalis.

Hindi naman halatang mukhang over protective na naman sila sakin diba? Hindi naman halatang binibaby na naman nila ko noh'?

Please sabihin niyo naman na hindi halata, para kahit papano naman ay hindi na ko magulat sa mga pinaggagagawa nila ngayon.

Napapabuntong hininga na lamang ako sa kalagayan ko ngayon. Nakakatawa na ring pagmasdan ang buhok ko na halos kita na yung anit ko. Itinaas ko rin yung braso ko para tignan kung may improvement ba, but sad 'to say at mukhang huminto at napagod na rin ang katawan ko sa pagproseso ng tama.

Para na rin akong lantang gulay kung tutuosin. At ang malala ay yung pinipilit pa nilang paniwalain yung mga sarili nila na may pagasa pa akong magtagal, kahit naman na alam na nilang kahit gustuhin ko pang lumaban, kung ang mismong katawan ko na ang bumigay, ay wala na rin akong magagawa.

Hindi naman na iba sakin ang usaping tungkol sa kamatayan, pero sa tuwing babangitin ko yun sa kanila parang iibahin na lang nila yung usapan para iwasan ang pagkailang. Pero ako, tanggap ko na. Para na ngang oras na lang ang hinihintay ko eh. Kaya lang natatakot ako na baka hindi nila yun kayanin, o baka hindi rin nila yun matanggap kagaya ng pagtanggap ko sa kapalaran ko.

But alam ko na in God's time makakaya na rin nila akong i-let go. Hindi dahil sa gusto ko, kundi dahil wala na sila… kaming magagawa para pigilan ang tadhanang para sakin.

Pero ngayon susulitin ko na muna yung oras na meron pa ako kasama sila. Kasama ang mga taong mahal ko, para naman masabi kong worth it yung naging buhay ko diba?. Kahit sa puntong yun na lang, 'para naman mapatunayan ko na hindi sukatan ang haba, o iksi ng buhay ng tao para pigilan ang nagaalab na determinasyon ng pagmamahal na kaya nilang ibigay sa mga taong mahal nila…'

Habang maaga pa ipaparamdam ko na sa kanila kung gaano ko sila kamahal at kung gaano ko sila pinapahalagahan para kahit dumating na ang huling araw ko ay wala na akong pagsisihan na hindi ko ginawa ang lahat. Kasi nagkulang ng oras, o nagkulang ng chance, kahit ang totoo'y sobra sobra pa yung oras na binigay sakin, samin.

TREE OF INFINITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon