CHAPTER 27

12 2 0
                                    

'Five Months Later...'

CARL'S POV

"Anak gising na, ngayon ang alis mo diba?" sabi ng mama ko sa labas ng kwarto ko habang sinasabayan pa ng katok, kaya wala sa sariling napatingin ako sa orasan ko na nasa side table lang.

Maaga pa naman but still kailangan ko ng kumilos lalo na at may importanteng pupuntahan pa ko.

"Gising na po ako. Maliligo lang muna po ako ma!" sigaw ko at saka bumangon na din. Maya maya pa ay narinig ko na ang yapak niyang papalayo.

Bahagya pa akong nag-inat ng braso, saka kinuha yung towel ko at nagdiretso na sa CR ng kwarto ko. Hinubad ko lang yung damit ko at saka binuksan yung shower para basain yung sarili ko.

Makalipas ang ilang minuto at natapos na din ako, nagbihis lang ako at saka sinuklay yung medyo may kahabaan ko ng buhok dahil sa tumatakip na yung bangs sa bandang mata ko. Nang matapos ay saka na ako lumabas ng kwarto ko at bumaba para mag-agahan muna.

Nakita ko naman si mama na nakaupo na at umiinom ng kape pagkababa ko. Lumapit lang ako sa kanya para gawaran siya ng halik sa pisnge niya.

"Morning ma." sabi ko bago tuluyan na ding umupo sa upuan kong kaharap lang ng inuupuan niya.

"Hmm, good morning." nakangiting sagot niya saka nagtuloy na sa pagkain.

Habang kumakain ay tahimik lang kaming pareho. Nagpapakiramdaman pero parehong nakatungo sa pagkain. Naputol lang yung katahimikan sa pagitan namin ng magsalita siya.

"Aalis ka na mamaya, pupunta ka ba sa kanya para magpaalam pagkatapos mo 'nak?"

"Opo, ipapaalam ko lang po sa kanya yung mga plano ko bago ako umalis. Tutal naman ay alam na nila tito Tan at tita Ny ang plano ko. Maging si Tinay at yaya Lina ay masaya rin na balak ko ng ituloy yung pangarap ko." mapait ang ngiting sabi ko.

"O sige, kaya bilisan mo ng kumain dyan ng makaalis ka na't hindi ka mahuli mamaya." sabi niyang nakangiti pa kaya muli kong ipinagpatuloy ang pagkain ko.

Mabilis naman akong natapos kaya nagpaalam lang ako kay mama at dumiretso na ako palabas ng bahay. Lulan ng minamanehong kotse ay nagpunta agad ako kung nasan siya. Sa bungad pa nga lang ay katahimikan ng paligid na ang sumalubong sakin.

Nakangiti pa akong tinahak ang kinalalagyan niya, at saka ibinaba sa harap niya ang mga dala kong bulaklak. Marahan akong naupo sa tapat niya at saka nagsindi ng kandila. Bahagya ko pang hinaplos ang pangalan niya, habang napapailing pa.

Summer after high school, when we first met,
We make-out in your Mustang to Radiohead.
And on my eighteenth birthday, we got matching tattoos


"Trinity Hope Salazar..." mahinang bangit ko sa pangalan niya. Hindi ko maiwasang mapangiti habang inaalala ang mukha niya.

Used to steal your parents liquor and climb to the roof,
Talk about our future like we had a clue...
Never planned that one day I'd be losing you.

TREE OF INFINITYWhere stories live. Discover now