02

883 53 29
                                    

Suri;

Nasa roof top kami habang kumakain. And when I say kami, it's me and Soobin. Para siyang aso na sunod ng sunod sakin. Pinagchichismisan na nga kami sa classroom. May nagtanong nga sakin kung kami ba daw. Like wtf! Hindi ba sila nandidiri sa mga pinagsasabi nila? Ay oo! Marami palang fangirls tong tukmol na'to. Kaya siguro gwapong gwapo siya sa sarili niya.

"Wag mo ngang paki alaman yan, akin lang yang rice cake."

Sabi ko at tinapik yung chopstick niya. Di naman siya nagpatinag at kumuha pa rin ng rice cake. Sinubo niya yun at ngumiti sakin.

"Lecheng buhay to oh! Bat ka ba nakikihati sa baon ko? Tsaka bat ka ba andito?"

Nginuya niya muna yung rice cake tapos uminom ng tubig sa tumbler ko. Napabuntong hininga ako ng malalim. Pilit pinapakalma yung kaloob looban kong malapit ng sumabog.

"Binabantayan kita. Sinisigurado ko na hindi mo ipagkakalat yung sekreto ko tsaka feeling ko kasi masarap yung baon mo kaya nakikain na rin ako."

Sagot niya. Napairap na lang ako. Ilang beses na ba niyang ginawang excuse yung binabantayan niya ako para hindi ko ipagkakalat yung sekreto niya. 100? 1000 times?

"Ilang beses ko bang sasabihin sayo na hindi ko nga ipagkakalat yung sekreto mo. Nakakainis ka na ha."

I said out of frustration at sumubo ng kimchi. Ngumiti siya. Pero yung klase ng ngiti na may halong lungkot or what so ever. His eyes is telling something.

"Makulit ba talaga ako? Sabi niya kasi kagabi na ang kulit kulit ko daw. Kailangan niya daw magfocus, ayaw niya ng distractions. Alam ko naman na nag-aaral siya ng mabuti kaya nga binibigyan ko siya ng oras. Sobra sobra pa nga eh. Pero sana naman, maglaan din siya ng oras sakin. Kahit katiting lang. Gusto ko lang naman marinig yung boses niya."

Napatingin ako kay Soobin. He looked at me with a smile. Yung klase ng ngiti na may halong pait.

"Miss na miss mo na ba siya?"

Tanong ko. Tumango siya. Kumuha ako ng rice cake at itinapat yun sa bibig niya. Kinain niya naman yun.

"Oo, makulit ka. Ang kulit kulit mo grabe. Pero kahit na ganyan ka deserve mo rin namang bigyan ng time. Pero siguro yung oras na hinihingi mo is hindi pa niya maibibigay sa ngayon. Just understand her situation tsaka be patient. Pasasaan rin ba't makakasama mo rin siya ng matagal."

I said and gave him a smile. Ngumiti rin siya sakin at biglang pinisil yung cheeks ko.

"Aigooya~ ang dami mong alam. Love expert ka ba ha?"

Sabi niya. Tumawa na lang kaming dalawa. Napatingin siya sa relo niya.

"Kailangan ko ng umalis. May meeting pa kami sa Dance Club eh. Sige, mauna na ako."

Paalam niya tumango na lang ako bilang sagot. Isusubo ko na sana yung kimchi nung bigla niyang hinawakan yung kamay ko at isinubo yun. Nagulat ako.

"Bye bye!"

Paalam niya at kumaripas paalis. Hayop! Muntikan na kaming mag ano. Yung ano. Basta! Isang nakakadiring pangyayari.

----------------

"Nasan ka na ba?"

Bulong ko sa sarili habang tinitignan yung mga libro sa shelf. Nasa library ako ngayon. May hinahanap akong libro para sa Chemistry class namin. Tumingin ako sa taas.

"Ayun!"

Ani ko at pinilit abutin yung libro. Bat naman kasi pandak ako diba? Tumingin ako sa gilid. Ok kuul walang ladder. Tumingin uli ako sa libro.

"Masyado kang pa hard to get ha."

Inabot ko uli yung libro. I tip toed. But then, may kamay na inabot din yun libro at kinuha ito. Napatingin ako sa likod at nakita si Yeonjun oppa. Biglang bumilis yung tibok ng puso ko.

"Here."

Aniya at ibinigay sakin yung libro. Hindi ko pa rin inaalis yung tingin ko sa kanya. Kinuha ko yung libro.

"S-salamat s-sunbaenim."

I stammered at nagbow. Binigyan niya naman ako ng simpleng ngiti. He was about to leave nung may bigla akong naalala.

"ahm sunbaenim!"

Lumingon siya. Dun ko lang narealize yung ginawa ko. Gaga ka Suri! Atapang atao ha. Teka, ano nga ulit yung sasabihin ko?

"Ahm ano... Ahm diba po may meeting kayo sa Dance Club?"

"Nae, wae?" simple niyang sagot.

"Bakit po kayo nandito?"

"Ayaw mo bang nandito ako?" he said.

Tumawa naman ako ng slight. Pero yung klase ng tawa na may kasamang hiya.

"Hindi naman po sa ganun hehe."

"May dinaanan lang akong libro para sa Physics class namin mamaya. Papunta pa lang ako sa meeting. Bakit? May ipapasabi ka ba kay Soobin?"

Napantig naman yung tenga ko dun. Bat nasali yung tukmol na yun dito? Iniisip ba ni oppa na may namamagitan saming dalawa? Andwae! Maldo andwae!

"Ano naman pong sasabihin ko sa kanya? Tsaka di naman po kami close. Wala pong namamagitan samin. Single po ako."

Teka, ano ba tong pinagsasabi ko? Nakakaturn off ka Suri hayuf! Bigla namang tumawa si Yeonjun oppa.

"Okay okay, pero I really ship you two. Hanggang ngayon nga nagtataka ako kung bakit hindi ka pa pinopormahan ni Soobin. Yung batang yun, masyadong torpe."

Sabi niya. Ngumiti na lang ako ng pilit. Ikaw kasi yung krass ko, hindi kasi siya. Mas maganda kung tayong dalawa yung e ship mo oh. Pormahan mo na ako hayuf!

"I have to go, baka nagsimula na yung meeting. Bye Suri."

Paalam ni oppa at naglakad paalis. Nagbow ako. Agad kong ginulo yung buhok ko nung nakaalis na siya ng tuluyan.

"Mababaliw na ata ako."

Bulong ko sa sarili at nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga. Hanggang kailan kaya ako mapapansin ni Yeonjun oppa. Manhid ba siya o kulang lang talaga yung efforts ko para ma feel niya yung pagmamahal ko? Waw Suri! Pagmamahal, big word. Basta! Bahala na. Payting lang!

Second Best 「 Choi Soobin 」✓Where stories live. Discover now