30

541 38 15
                                    


Suri;

Days passed at nakasurvive ako. Bumalik na ako sa dati kong buhay. Yung klase ng buhay na walang Soobin na bumubuntot sakin. Aaminin ko, hindi pa rin nawawala yung feelings ko sa kanya. Pero alam ko naman na balang araw mawawala rin to.

Naghahanda ako para pumasok. Last day of preparation na namin ngayon para sa School Festival bukas. Kumakain kami ng agahan ng biglang nagsalita si Mama.

"Bukas may outing kami ng mga kapatid ko. Napag-usapan na namin to ng papa niyo at pumayag siya na sumama ako. Dalawang araw din akong mawawala. Ihahabilin ng tita Sae Hwa niyo si Ryu dito. Suri, dahil ikaw ang kaisa isang babae maiiwan dito sa bahay sayo ko ibibigay ang responsibilidad sa pag-alaga sa bata."

Ani ni mama.

"Eh Ma, School Festival na namin bukas di ako pwedeng umabsent kasi nakasalalay yung grades namin sa participation namin."

"Eh di isama mo si Ryu. School Festival lang naman yun. Hindi naman kayo magkakaroon ng klase."

Nagpakawala ako ng isang buntong hininga. May choice pa ba ako?

"Sige po, alis na po ako."

Paalam ko sa kanila at lumabas ng bahay. Sasabihin ko na lang kay V-Pres na may bata akong kasama bukas. Tsaka okay lang naman siguro yun since sa food stall naman ako naka assign. Mabait naman na bata si Ryu kaya sigurado akong walang magiging problema.

-------------------------------------------------------

Pumasok ako sa classroom. Abalang abala sa pagdedecorate yung mga classmate ko. Yung classroom kasi namin ang gagamitin naming maid cafe.

"Suri!"

Napalingon naman ako sa tumawag sakin. Si V-Pres lang pala.

"Aabsent ba si Pres bukas?"

Tanong niya sakin. She is referring to Soobin. Si Soobin na naman. Ayaw talaga nilang patahimikin yung kaluluwa ko.

"Hindi ko alam eh."

Tipid kong sagot sa kanya.

"Eh pano yan? Kung absent siya bukas wala kang makakasama sa food stall. All set na lahat, wala akong maipapalit sa kanya. Okay lang ba sayo ang mag-isa?"

Nginitian ko siya.

"Actually, di ako mag-isa. May kasama ako. Isasama ko yung pinsan kong 5 years old. Wala kasi siyang kasama sa bahay bukas kaya dadalhin ko na lang. Okay lang ba V-Pres?"

Tumango naman siya bilang sagot.

"Okay lang, total wala naman tayong klase. Pero di ka ba mahihirapan niyan? Magtitinda ka tapos may binabantayan ka pang bata."

"Hmm mabait naman si Ryu kaya sigurado ako na magbebehave lang siya bukas."

"Okay! Wala na tayong problema. Sige Suri, tutulong muna ako sa pagdedecorate."

Umalis na si V-Pres at pinuntahan yung mga classmates kong todo gupit ng mga designs. Napangiti ako. Bukas na ang festival. Sana naman magiging maayos ang lahat.

Next Day...

Pinapatahan ko si Ryu. Iyak siya ng iyak kasi iniwan siya ng nanay niya. Nakasakay kami sa bus ngayon papunta sa school. Pinagtitinginan na kami ng mga tao.

"Shhh gwaenchana... Uuwi si mama mo bukas kaya tahan na okay?"

Ani ko at pinahid yung luha niya.

"Bakit siya umalis? Bakit niya ako iniwan? Ayaw ba niya sakin?"

Inosente niyang tanong.

"Ani. May pupuntahan lang sila pero babalik yun bukas kasi mamimiss ka niya. Tahan na."

Second Best 「 Choi Soobin 」✓Where stories live. Discover now