35

584 45 34
                                    

Suri;

"Have dinner with me."

I blinked once. I blinked twice. Si Soobin... Ang gwapo niya pa rin.

"Suri?"

Napabalik ako sa katinuan. Nasampal ko yung sarili ko mentally. Gaga! Wag kang marupok!

"Ano nga ulit yun?"

Ngumiti siya ulit. Kitang kita yung dimples niya.

"Have dinner with me."

Pag-uulit niya.

"Pasensya ka na pero may gagawin pa kasi ako eh. Sige, mauna na ako."

Pagsisinungaling ko. Akmang aalis nung hinawakan niya ako sa pulsuhan.

"Sandali..."

Napalingon ako sa kanya.

"Can we have some coffee? Kahit saglit lang please."

He beg. I smiled awkwardly.

"Sorry talaga pero importante kasi tong gagawin ko."

Pagsisinungaling ko.

"Ano bang gagawin mo? Tutulungan kita."

"Wag na, kaya ko ng gawin yun mag-isa."

Ani ko. Kinalas ko yung kamay niya mula sa pagkakahawak sa wrist ko. I gave him a fake smile.

"Sige."

Paalam ko pero hinawakan niya ulit ako sa may pulsuhan.

"Suri..."

Tawag niya sakin. Napapikit ako ng mariin. Gets niya naman siguro na iniiwasan ko siya diba? I looked at him.

"Ano na naman?"

Nagulat ako nung bigla niya akong hinila palapit sa kanya at niyakap. Bumilis ang tibok ng puso ko. Ayan na naman... Nagwawala na naman ang puso ko.

"I miss you."

Bulong ni Soobin sakin. I can say that it is full of sincerity. Pero may parte sakin na nagdadalawang isip na maniwala. Namiss niya ba talaga ako? Namiss niya rin ba ako katulad ng pagkamiss ko sa kanya?

I broke the hug.

"Aalis na ako, sige."

Paalam ko at nag-bow ng slight. Tinalikuran ko siya at naglakad palayo. Oras na para lumayo kasi kahit pagbalik-baliktarin man natin ang mundo, si Lia pa rin ang pipiliin ni Soobin hanggang sa huli. At ako? Siyempre, mananatiling second option lang.

----------------------------

Bubuksan ko na sana yung gate nung may tumawag sakin.

"Suri!"

Lumingon ako sa kung sinong tumawag. Nagsisi tuloy ako kung ba't ako lumingon. Bakit siya nandito? Kailan pa siya nakauwi galing sa States??

Agad akong nag-iwas ng tingin at dali-daling binuksan yung gate. Lord naman! Ano bang nagawa kong kasalanan at ginaganito niyo ako?

Lumapit siya sa'kin.

"Oh kalma! Ako lang to. Kaya ka napaghahalataan eh. Wag mong sabihin na hindi ka pa rin naka-move on sakin?"

Napantig yung tenga ko sa sinabi niya. I glared at him.

"Tigil tigilan mo ko jan sa mga kabalbalan mo Jisung ha kung ayaw mong sipain ko yang putotoy mo."

Tama yung narinig niyo. Siya si Han Jisung, isa mga ex kong gago na nanloko sa'kin. Pinagpalit niya lang naman ako sa muse namin dati. Mas maganda naman talaga siya sakin pero kahit na no! Dapat marunong pa rin siyang makuntento.

Second Best 「 Choi Soobin 」✓Where stories live. Discover now