42

462 31 23
                                    

Suri;

"Suri, naneun neoleul joh-ahae."

Naging tahimik ang paligid. Ano? Sinabi niya bang gusto niya ako? Napakamot si Soobin sa batok niya.

"I know, it's kinda late to say this but I just want you to know but what I feel. I like you Suri."

Dagdag pa niya. I became silent. Ano bang dapat kong sabihin? Diba sila ni Lia? Bakit niya sinasabi to sakin?

"Soobin..."

Tawag ko sa kanya. He looked at me.

"Pinagtitripan mo na naman ba ako?"

Kumunot ang noo niya sa sinabi ko.

"No! I'm not fooli-"

"Alam mo, naguguluhan ka lang eh. Gusto mo ko pero bilang kaibigan lang yun. Nasanay ka lang sa presensiya ko kaya nung lumayo ako sayo, inakala mong gusto mo ko kasi namimiss mo yung dating tayo. Pero Soobin, ako na mismo ang magsasabi sayo. Yung pagkagusto mo sakin is not in the same way na gusto kita. Mabuti pang umuwi ka na. Tsaka please, just focus on your relationship with Lia. Wag mo na akong guluhin. Ayaw ko ng makisawsaw."

Sabi ko. Yan! Nasabi ko na yung mga gusto kong sabihin. Sinabi ko na yung dapat. Ganun naman talaga diba? Let's not hope for the things na alam naman nating hindi tunay.

"So you are still thinking na Lia and I are together..."

Ani ni Soobin. I looked at him in confusion.

"Bakit? Hindi ba?"

"I already knew the truth Suri. Alam ko na ang katotohanan bago ko pa man balikan si Lia."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Alam kong ginagamit niya lang ako para sirain kaming magkapatid at para makuha niya ang kompanya."

Di ako umimik. I'm shocked. Paano niya nalaman yung tungkol dun? Sinabi kaya ni Seulbin oppa yung totoo?

"Pero pano mo nalaman yung totoo?"

"I heard you. Narinig ko yung away niyo ni Lia sa ospital nung inatake si hyung. I told hyung not to tell you about this. Ayokong madamay ka pa sa gulo. You did everything to protect me kahit na ako na mismo ang lumalapit sa sarili kong kapahamakan. Alam mo, the more na magkasama kami ni Lia the more ko narerealize na ikaw talaga yung gusto kong makasama at hindi siya. Walang araw na hindi kita namimiss. Tuwing gabi, sinisilip kita sa coffee shop ng patago at sinasabayan ka sa paglalakad pauwi kahit na malayo ako sayo. Sa tuwing nakikita kitang umiiyak, parang gusto kong suntukin ang sarili ko. I blame myself for giving you all the burden and leaving you alone. But I promised to myself na babalikan kita. I told myself na konting konti na lang at makakasama na kita. I want to hug you tight. I want to sleep beside you. I want to see you everyday. Maybe you're right. Maybe I don't like you. But instead, I'm starting to love you more than anyone else. Suri... I may be doubtful but my love for you is certain. May mga bagay na hindi ako sigurado pero isa lang ang alam kong totoo, at yung ang nararamdaman ko sayo. So please, give me a chance. Give me a chance to show to you how precious you are to me. Kasi sa totoo lang, mababaliw na ako kakaisip."

Sabi ni Soobin. Di pa rin ako makapaniwala sa mga narinig ko. Ganito ba talaga? Ganito ba talaga ang pakiramdam pag may nagconfess sayo? I'm speechless. Di ko alam kung ano ang dapat kong sabihin.

"Soobin-ah..."

Matagal tagal na rin simula ng tinawag ko si Soobin ng ganito. Tumingin siya sakin.

"Ipangako mong di ka na maglilihim sakin at sasabihin mo lahat ng problema mo. Ipangako mong di ka gagawa ng desisyon na ikaw-ikaw lang. At ipangako mong di ka na lalapit kay Lia at sa tatay niya."

Second Best 「 Choi Soobin 」✓Where stories live. Discover now