39

516 28 26
                                    

Suri;

Yung tungkol sa kanila ni Lia? Anong tungkol sa kanila? May nangyari na naman ba sa kanila?

"Wae? Anong nangyari sa inyo ni Lia?"

Puno ng kuryusidad kong tanong. Hindi na dapat ako manghimasok pero di ko lang talaga mapigilan. Oo, aaminin ko nag-aalala ako. Nag-aalala ako na baka pinaikot na naman ni Lia si Soobin. Na baka pinaglalaruan na naman nito yung damdamin niya.

Pero may tiwala naman ako na hindi siya pababayaan ni Seulbin oppa. Alam ko namang hindi hahayaan ni oppa na malagay sa panganib si Soobin. Kung di lang dahil sa nararamdaman ko siguro okay pa kami ni Soobin ngayon. Siguro kung okay pa kami pinupuntahan niya pa rin ako pag may problema siya.

Pero ayaw kong umasa. Oo, pinapakita niya sakin na importante ako sa kanya but it wasn't because he love me. It's because I am his friend. Pero hindi pa niya alam kung kung ano ang pinagkaiba ng pagmamahal sa isang kaibigan at sa taong gusto mong makasama habang buhay. That's why he is confused.

Confused lang siya kasi nung mga panahong down siya ako yung nandito. Nung mga panahong nasasaktan siya, ako yung nagcocomfort sa kanya. Nung mga panahong malungkot at mag-isa siya, ako yung nandun para samahan siya sa kalungkutan. What he feel for me is not love. It is the urge of doing the same thing for me.

Ngayon ko lang narealize na kaya pala never naging kami kasi yung pagmamahal na binibigay namin sa isa't isa ay hindi magkatugma. Our love for each other is not enough. His love for me is the contrast of what I feel. And I think that's how it ends.

"But before I tell you everything, can I have a hug from you? Can you embrace me in your arms Suri?"

Ani ni Soobin. Tumaas ang kilay ko. Pinaglalaruan ba ako ng mokong na'to?

"Scam ba to? Niloloko mo lang ata ako eh. Uuwi na ako."

Sabi ko. Akmang aalis nung hinawakan ni Soobin yung wrist ko.

"Okay sorry. It's just that I miss you and I want to hug you tight."

Tanging 'okay, sorry' lang ang narinig ko. Di ko na narinig yung iba dahil sa hina ng boses niya.

"Ha? Ano nga ulit yung sinabi mo?"

"Wala. Sabi ko, punta tayo dun sa bread haus. Dun ko sasabihin sayo lahat ng mga dapat kong sabihin."

Ani niya at na una ng maglakad. Sumunod ako. Tahimik lang si Soobin. Ano kayang problema nito? Tsaka ano kaya yung mga sasabihin niya sakin?

Pumasok kami sa bread haus dito sa subdivision nila. Bumili muna siya ng drinks at paborito niyang tinapay. Naghanap ako ng upuan para sa aming dalawa.

Inilapag niya yung binili niya sa table namin at binigyan ako ng cheese cake at iced tea.

"Ano ba yung sasabihin mo?"

Tanong ko. Ngumisi siya.

"Ganun ka ba talaga ka eager na malaman yung mga sasabihin ko?"

Tumango ako. He smiled and pinched my cheek.

"Aigooya~ Looks like my Suri is a curious cat now."

Tukso niya sakin. Tinapik ko yung kamay niya kasi medyo masakit yung pagkakurot niya sa cheek ko.

"Abuso ka ha. Pinagdidiskitahan mo na naman yung pisngi ko."

Ngumiti lang ang tukmol. Kitang kita yung dimple niya. Ang tagal ko ng di nakita yung ngiti niya. I mean yung genuine niyang ngiti.

"Suri?"

"Hmm?"

"I miss you."

Napatigil ako sa sinabi niya. Nagtama ang mga mata namin. Yung puso ko... Kumakabog na naman.

Second Best 「 Choi Soobin 」✓Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang