19

552 37 26
                                    

Suri;

Pagkatapos naming mag-usap ni Yeonjun, tinulungan ko si Soobin na linisin yung binili niyang pwesto kahapon. Nagpart ways kami nung bandang 3 pm. Pupuntahan daw niya si Lia. Babalik kami sa Sabado para ayusin yung itatayo niyang cafe. Magpaplano rin kami ng mga pwede naming ibenta.

Nasa coffee shop ako ngayon. Kailangan ko ng magtrabaho kasi dalawang araw na akong absent. Nag-aayos ako ng coffee cup nung may costumer na dumating. Teka, anong ginagawa niya dito?

"Seulbin oppa?"

"Hi Suri, pwede ba kitang makausap?"

Nagtinginan kami ni Chae.

"On duty pa po kasi ako ngayon eh. Baka ho mapagalitan ako."

"Let me talk to your manager then."

Ani niya at ngumiti. Like teh! Seryoso?

"Nandun po yung office ng manager namin."

Sabi ni Chae sabay turo sa pinto ng Manager's office. Nginitian siya ni Seulbin oppa at nag thank you. Ang gwapo niya talaga.

Umalis si Seulbin oppa at tumungo sa Manager's office. Ano kayang pag-uusapan namin?

-------------------------------------------------

Pinauwi ako ng maaga ng manager namin. Nasa isang coffee shop kami ni Seulbin oppa. Pero hindi ito yung coffee shop na pinagtatrabahuan ko. Nag-order siya ng pagkain para sakin at choco iced tea. Nagugutom tuloy ako hayuf!

"Ahm oppa, ano po ba yung pag-uusapan natin?"

Tanong ko. He took a sip dun sa beverage na inorder niya.

"Actually, I want to talk you about something. About Soobin to be exact."

Ani niya. Napalunok naman ako. Teka, bat ako kinakabahan?

"Ano po yun?"

Sumeryoso yung mukha niya. Okay? Bat may nararamdaman akong something sa atmosphere.

"Tomorrow, there will be an engagement party. I will propose to Lia. But my brother doesn't know about it."

Nanlaki yung mata ko sa gulat. Magpropose si Seulbin oppa kay Lia?? Sigurado akong masasaktan si Soobin pag nalaman niya to.

"Suri, alam kong alam mo yung tungkol sa kapatid ko at si Lia."

Teka, alam rin niya yung tungkol kay Soobin at Lia???? Pero pano??? Tsaka bakit parang wala lang siya????

"A-alam niyo rin po yung tungkol sa kanila?"

Tumango si Seulbin oppa.

"Pero bakit? Bakit parang wala lang kayo?"

Puno ng pagtataka kong tanong.

"Yung totoo niyan, I courted Lia to protect Soobin. Since we are little, may pagtingin na si Soobin kay Lia. She makes him happy. Nung mga araw na mag-isa at malungkot siya, si Lia ang nandun para sa kanya. I was in States that time. My parents send me there to study for me to be prepared in handling our business. But then, nalaman ko na lang na may binabalak pa lang masama ang ama ni Lia sa amin. Nung una plano nilang gamitin si Soobin. Kaya naman gumawa ako ng paraan. Niligawan ko si Lia ng sa ganun they will leave my brother alone. Akala ng ama niya mapapadali lahat ng plano niya kasi naging kami ni Lia. But he didn't know na I already locked up our money and shares to Soobin without anyone knowing. I thought everything will go smoothly. Pero nalaman ko na lang na may relasyon pala sila ni Lia. I did everything to hurt him so that he will break up with her. Pero none of it became effective. Then I saw you too. Matagal ko na kayong minamanmanan. I knew your intentions to him. I saw how you cared and comfort him everytime he is broken. Suri..."

Hinawakan niya yung kamay ko.

"Please help me. Please help me save my brother from all of this. Alam kong masasaktan siya sa gagawin ko but I have no choice. Let him get over her. Konti na lang ang oras na natitira."

Kumunot naman yung noo ko sa sinabi niya.

"Ano pong ibig niyong sabihin? Bakit konti na lang po yung oras?"

"I'm dying Suri, may taning na ang buhay ko."

------------------------------------------------

Sariwa pa rin sa isipan ko yung sinabi ni Seulbin oppa kanina. May sakit siya sa puso. Hindi na daw siya magtatagal sabi ng doktor. Pero kahit na mamamatay na siya, mas inuna niya pa rin yung kapakanan ng kapatid niya. Kailangan kong tulungan si Seulbin oppa.

Hinihintay kong mag red yung traffic light nung nagvibrate yung phone ko. Kinuha ko to sa bulsa. Si Soobin, tumatawag.

"Yobosaeyo?"

"Nasan ka?"

"Nasa pedestrian malapit samin. Tatawid pa lang ako, bakit?"

"Tumingin ka sa harap mo."

Tumingin ako sa harap ko at nakita si Soobin sa kabilang side ng kalsada. He waved at me. Pinatay ko yung tawag. Nag red na yung traffic light kaya tumawid ako at naglakad papunta sa kanya.

Nginitian niya ako. Kitang kita na naman yung dimple niya. Sana makakangiti pa rin siya ng ganyan sa mga mangyayari bukas. Hindi ko na namalayan yung sarili ko na kusang yumakap sa kanya.

"Wae? May problema ba?"

Tanong niya. Nagulat siguro siya sa ginawa ko. I hug him tight.

"Ani. Free Hugs Day ngayon kaya niyayakap kita."

Pagsisinungaling ko. Kumikirot na naman yung puso ko. Naaawa ako kay Soobin. Hindi niya deserve yung mga nangyayari sa kanya. Kumawala na ako sa pagkakayakap sa kanya.

"Anong ginagawa mo dito? Gabi na ha."

Tanong ko.

"Hmmm I feel like treating you for dinner since you helped me yesterday in cleaning my soon to be bread cafe."

Ani niya at ngumiti. Ngayon ko lang napansin. Ang cute niya pala.

"Tara, punta tayo sa kainan ni Manang Lee. Nagugutom na ako."

Sabi ko at naunang maglakad. Sumunod naman siya sakin at kinurot yung cheeks ko mula sa likod.

"Aye aye captain!"

Soobin;

Kanina ko pa napapansin si Suri. Medyo matamlay siya ngayon. Habang kumakain kami hindi siya nagsasalita masyado. Eh pag magkasama kami dati walang preno yung bibig niya kakadada. Tapos kanina bigla niya na lang akong niyakap. May problema ba siya?

Naglalakad kami papunta sa bahay nila. Tahimik lang kaming dalawa. Tumingin ako sa langit.

"Ang ganda ng mga bituin no?"

Komento ko at tumingin sa kanya. Nagtama yung mata namin. Huminto siya sa paglalakad kaya napahinto rin ako.

"Soobin-ah..."

Seryoso niyang sambit sa pangalan ko.

"Hmm?"

"Pag pakiramdam mo na mag-isa ka lang, lagi mong tatandaan na nandito lang ako. Dadamayan kita sa lahat ng pinagdadaanan mo. Makikinig ako sa mga hinanakit ng puso mo. Soobin-ah, alam kong hindi maganda yung pagsasama natin nung nakaraan pero kaibigan kita. Nandito lang ako palagi para sayo."

Napangiti ako sa sinabi niya.

"Salamat. Masaya ako at nagkaroon ako ng kaibigan na katulad mo."

I said and smiled at her. She gave me a weak smile.

"Sige, umuwi ka na. Malapit na rin naman yung bahay namin."

She said. I nodded at her.

"Okay then, good night Suri."

"Good night."

Paalam niya at naglakad paalis. I watched her as she walked away. She's weird but what she told me earlier relieved me. If only I met Suri before Lia, maybe I'll fall for her. Maybe hindi magiging ganito yung sitwasyon ko ngayon.

Second Best 「 Choi Soobin 」✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon