53

409 25 5
                                    

Soobin;

"I'm sorry Ms. And Mr. Choi, but due to lack of solid proof and evidences mahihirapan tayo na ipanalo ang kasong to."

Atty. Ahn said. He is our family lawyer. It's been a week simula nung nagsampa kami ng kaso laban kay Leo. But after the second trial that happened earlier, there is a big possibility that Leo can slip his crime. We have no concrete evidence na nagtuturo na siya ang pumatay sa kapatid ko. I admit, Lia and Jisung are our only hope to win this case. If they will testify against their father, sigurado akong sa kulungan ang bagsak ng ama nila.

"But attorney, wala na bang ibang paraan? I mean, hindi pa ba sapat yung mga papeles na pinakita natin to convince the court that he has a motive to commit the crime? He stole our company's money and her daughter gave us a threat after the partnership got terminated."

Sabi ni Eunbin noona. Mr. Ahn sighed. Seems like we are really hopeless.

"We can sue him because of robbery but when it comes to murdering your brother, we can't guarantee that our allegation will be accepted by the court. I'm sorry Ms. Choi, if we can't present a concrete evidence tomorrow, ibabasura na ng korte ang kaso natin."

Nanaig ang katahimikan sa pagitan namin. No, I won't let this to happen... I won't let my brother's life went into nothing.

I stood up. Napatingin naman sa akin si noona at si Atty. Ahn.

"I'll find a way. Hindi ko hahayaan na makatakas na naman si Leo mula sa kasalanan niya."

I said and walked out from the cafe. Narinig ko ang pagtawag ni Eunbin noona sa pangalan ko pero hindi ko siya nilingon. I went to the parking area at sumakay sa kotse. Kinuha ko ang phone ko mula sa bulsa and dialed Suri's number.

"Yobosaeyo?"

"Suri, I want to ask you something..."

"Ano yun?"

"Alam mo ba kung nasaan si Jisung at Lia?"

Suri;

"Alam mo ba kung nasaan si Jisung at Lia?"

Napatingin ako sa dalawang tao sa aking harapan. They heard it. Hinahanap sila ni Soobin.

"Si Jisung at Lia?"

Pag-uulit ko. Jisung gave me this look na 'better say no or else hindi namin itutuloy to'.

"Yes, alam mo ba kung nasaan sila?"

Ani ni Soobin sa kabilang linya. I promise to myself that I will not lie to him but for his sake, I'm willing to break that promise.

"Hindi."

Tipid kong sagot. I heard him sigh.

"Okay, I'll be home late tonight so don't wait for me. I'll hang up now. I love you."

"I love you too."

Pinatay na ni Soobin ang tawag. Tumingin ulit ako kina Jisung at Lia.

"Buti naman at tinupad mo ang usapan natin."

Sabi ni Lia sabay inom ng iced tea niya. Inilagay ko sa bulsa yung phone ko.

"Sabi ko naman sa inyo diba, I'll do your conditions basta tulungan niyo lang si Soobin na maipanalo ang kasong to."

Lia smirked.

"Is that what love makes you do Suri? I can tell, you are madly in love."

Tukso niya sa akin. Nginitian ko siya.

"Yes, I admit that and guess what? I'm lucky because the person that I am madly in love with, loves me too the same way I do."

Napawi ang ngiti sa kanyang mukha. She rolled her eyes after hearing those words.

"Whatever."

Tanging sagot niya na lang and looked away.

"Suri, better keep this secret to anyone. If someone will find out, especially Soobin, hindi kami magdadalawang isip na umalis papuntang America at hindi sumipot bukas sa korte."

Tumango ako sa sinabi ni Jisung. They agreed to help Soobin to win this case but they want it to be confidential with me. Mahirap na, nakabantay ang tatay nila sa mga galaw ni Soobin at ng ate niya. If his father knows na handa silang tumulong sa pagbagsak nito, he will definitely make a move to get rid of them.

Me too, I know that I am under surveillance kaya naman gumawa ako ng paraan na makalabas ng bahay without anyone noticing. Matagal ko ng napapansin na may nakamasid sa bahay namin. Soobin knew that too kaya naman he hired some body guards. But still sadyang matinik talaga ang tatay ni Lia at Jisung. He still knows everything kahit na todo ingat na kami. But I escaped him this time and I think this is the last time that I will be able to do that.

Pagkatapos naming mag-usap, lumabas na kami sa restaurant. It is an unknown restaurant kaya wala masyadong pumupunta dito. Sinuot ko ang cap ko and covered half of my face with a mask. I took a bus at huminto sa bus stop malapit sa amin. Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si SPO3 Son.

"Suri, napatawag ka? May nangyari ba?"

"Wala naman po tito, nakauwi na po ba sila Lia sa safehouse?"

"Oo, kakauwi lang namin. Don't worry, babantayan namin sila ng maigi. We won't let our guard down."

"Thank you po tito. Salamat po at pumayag kayo na bantayan sila. Malaki po ang utang na loob ko sa inyo."

"No problem. Malaki rin naman ang utang na loob ko sa pamilya mo. Kung hindi dahil sa kanila, hindi sana ako police ngayon. Tsaka pinayagan naman ako ng superior namin since they are your prime witnesses and they need protection. I wish you luck Suri, sana manalo kayo sa kaso niyo bukas."

"Sana nga po. Sige po tito, uuwi na po ako."

"Sige."

Pinatay ko na ang tawag at nagsimulang maglakad. Tumawid ako sa pedestrian lane at naglakad papunta sa bahay namin. I can see the two body guards in front of our house. When I reached our home, nagulat sila nung makita ako.

"Ma'am, bakit po kayo nandito? Diba po-"

"Tumakas ako ng bahay. Dumaan ako sa likod at dahil isa lang ang bantay dun, madali ko siyang natakasan. Pasensya na kayo pero kailangan ko yung gawin. Pakiusap, wag niyong sabihin kay Soobin ang tungkol dito. Mian..."

Paumanhin ko at nagbow. Napabuntong hininga silang dalawa.

"Sige po ma'am basta wag niyo na pong gagawin yun. Patay po kami kay sir pag nalaman niyang umalis po kayo ng walang kasama."

I smiled at them.

"Don't worry, I will not do that again."

Tumango lang sila bilang sagot. Pumasok na ako sa bahay. Napansin kong dinagdagan nila ang bantay sa likod dahil sa nangyari. Napabuntong hininga na lang ako at tumihaya sa sofa. Kinuha ko ang phone ko at tinext si Jisung.

No matter what happens, do the deal. I already did my part, now it's your turn.

Second Best 「 Choi Soobin 」✓Where stories live. Discover now