49

420 26 5
                                        

Jisung;

Nasa ospital si Lia ngayon. Bigla siyang nawalan ng malay kanina. Sabi ng doctor na overdose daw siya dahil sa dami ng pills na ininom niya. Iniwan ko muna siya sandali. Kailangan kong kausapin si Suri.

Kanina ko pa to iniisip. Isa lang ang paraan para hindi madamay si Suri sa gulo. Kailangan niyang layuan si Soobin. She is important to me. I admit I still have a feelings for her. The reason why I cheated on her before ay dahil gusto kong lumayo ang loob niya sa akin.

I don't want her to get involved in my family's business. I can't afford to see her suffer just like how my mom did because of my dad. Kaya ako na mismo ang gumawa ng paraan para kamuhian niya ako. Akala ko tapos na pero hindi pa pala.

Nadatnan ko si Suri na papunta pa lang sa bahay nila. Halatang kagagaling lang niya sa funeral. Agad ko siyang nilapitan.

"Suri..."

Lumingon siya sa akin nung narinig niya ako.

"Jusmiyo! Akala ko kung sino, ikaw lang pala."

Ani niya dahil sa gulat.

"Pwede ba kitang makausap?"

Tanong ko. Kumunot ang noo niya.

"Tungkol saan?"

"Tungkol sa totoong dahilan kung bakit nagawa kong pagtaksilan ka dati."

Suri;

"Anong sabi mo? Magkapatid kayo ni Lia?"

Tumango si Jisung. Napatawa ako ng mapakla. So all this time pinaglalaruan niya lang ako?

"Jisung, ano bang kasalanan ng mga Choi sa inyo? Bakit niyo ba ginagawa to? Para sa pera? Para sa kapangyarihan?"

"Suri listen, biktima lang din si Lia dito. Ginamit siya ng walang hiya kong ama para matupad ang mga masasamang balak niya sa mga Choi."

"And you expect me to believe that? Jisung, niloko ng kapatid mo si Soobin. She use him too. Kung di dahil kay Seulbin oppa, baka bumagsak na ang mga Choi ngayon."

"I know I'm a great liar but you know me. You know what my eyes look pag nagsisinungaling ako. Now look at me, tell me kung nagsisinungaling ako."

Tinignan ko siya sa mata. His eyes were full of sincerity. He is not lying. Pero di pa rin ako kumbensido.

"People change Jisung. You can change and I can change too. After a long time, baka hindi talaga natin kilala ang isa't isa. Lovers can turn to strangers after break up."

Hinawakan ni Jisung ang kamay.

"Suri, I know you have doubts. But please, trust me on this. Para na rin ito sa ikabubuti mo."

"What do you mean?"

"Kung hindi mo lalayuan si Soobin, idadamay ka ng tatay ko. Your life is in danger."

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Bakit naman magiging delikado para sa akin ang paglapit kay Soobin?"

Umiwas siya ng tingin. I think he is hesitating on telling me something.

"Just trust me, okay?"

"Jisung, may hindi ka ba sinasabi sa'kin?"

"Wala."

"You're lying."

"Don't ask me again, I will not tell you about it."

"Okay, hindi na ako magtatanong. Hindi na kita pipilitin. Pero please lang, tigilan niyo na ang mga Choi."

Ani ko. Akmang aalis nung bigla siyang nagsalita.

"My dad hired someone to inject him with a harmful chemical. Pinatay ng tatay ko si Seulbin."

Natigilan ako sa narinig ko. I looked at Jisung in disbelief.

"A-ano?"

Lumapit siya sa akin at hinawakan ang balikat ko.

"My father is a dangerous man. No, he is a demon. Handa siyang gawin ang lahat makuha lang ang gusto niya. Suri, he is willing to kill you just to get what he want."

Hindi ako maka-imik. Kung nagawa yun ng tatay niya kay Seulbin oppa, pwede niya ring gawin yun kay Soobin at kay Eunbin unnie.

"Suri... I'm begging you. Iwan mo na si Soobin. Please leave him in order for you to be safe-"

Nagulat ako nung bigla nalang may sumuntok kay Jisung. Bumulagta siya sa lupa dahil sa lakas ng impact. His lips instantly got wounded.

"MGA HAYOP KAYO! PAPATAYIN KO KAYONG LAHAT!"

Sigaw ni Soobin at sinuntok ulit si Jisung. Agad ko siyang inawat pero sobrang lakas niya. Di makalaban si Jisung dahil sa lakas ng suntok na pinapakawalan ni Soobin.

"Soobin tama na."

Ani ko pero napunta lang sa hinging tenga ang mga salitang yun. Kitang kita ko sa mukha niya ang galit. Wala akong magawa para pigilan siya. Seeing him this way hurts me a lot.

Ibang tao na si Soobin. He is not the Soobin I used to know. He is not my Soobin anymore. Dun ko na lang namalayan na nagsimula na palang tumulo ang luha ko. I want to stop him. Pero paano?

I hugged him in the back.

"Soobin, nagmamakaawa ako sayo. Tama na. Please tama na."

Sabi ko.

"Umuwi na tayo please."

Naramdaman kong natigilan siya. He looked at Jisung na bugbog sarado na ang mukha. Binitiwan niya ang kwelyo nito.

I broke the hug. Lumingon siya sa akin. Nagtama ang mga mata namin. He dried my tears using his thumb.

"I'm sorry... I'm sorry."

Ani niya and kissed the side of my eyes where my tears fell. He cupped my face. Pinaglapat niya ang mga noo namin.

"I'm sorry..."

Sambit niya ulit.

"Let's go home."

-----------------------------------

Isinugod si Jisung sa ospital pagkatapos ng nangyari. Dumating si Eunbin unnie pagkatapos niyang mabalitaan ang nangyari. Siya na ang kumausap sa mga pulis para ayusin ang gusot na ginawa ni Soobin. Buti na lang di na siya pinapunta pa sa presinto.

Nakatingin lang ako sa bubong. Hindi pa rin ako makatulog. Ang daming nangyari ngayong araw na ito. Ang dami ko ring nalaman na hindi maganda.

"Suri..."

Napalingon ako kay Soobin. Tumagilid ako para magkaharap kaming dalawa.

"Bakit gising ka pa? Di ka ba makatulog?"

Tumango siya bilang sagot.

"Wae? May bumabagabag ba sayo?"

Kinuha niya ang kamay ko and played with my thumb. He looks so fragile right now.

"Nung nakita mo ko sa ganung itsura kanina, natakot ka ba sa'kin?"

Tanong niya.

"Ani."

Sagot ko.

"Nabawasan ba yung pagmamahal mo sakin?"

"Hindi. Kahit katiting, hindi nabawasan yung pagmamahal ko sayo."

"Kanina nung nalaman mo yung tungkol sa tatay ni Jisung, naisipan mo bang iwan ako?"

Tanong niya sabay tingin sa akin direkta sa mata.

"Hindi ko iiwan ang taong di ko kayang mawala sa buhay ko."

"Suri, mahal na mahal kita."

"Mahal na mahal rin kita."

He came closer and kissed me in the lips. It's been a long time simula nung hinalikan niya ako sa labi. And yet the feeling it gave me is still the same. Sana maging okay na ang lahat. Sana maging payapa na ang lahat katulad ng dati.


















Second Best 「 Choi Soobin 」✓Where stories live. Discover now