54

464 23 25
                                    

Suri;

Ito na ang araw na pinakahihintay namin. Ngayon ang huling araw ng trial. Sana sumang-ayon ang lahat sa plano. Sana mapagbayaran na ni Leo ang kasalanan niya sa kulungan. Sana mabigyan na ng hustisya ang pagkamatay ni Seulbin oppa. Sana maging okay na ang lahat.

Kinuha ko ang bag ko mula sa sofa. Kanina pa pumunta si Soobin sa korte. Nagpaiwan muna ako kasi kinausap ko pa yung boss ko sa coffee shop. Tinignan ko ang oras. Alas diyes na ng umaga. Nagsimula na siguro yung trial.

Lumabas ako ng bahay at bumungad sa akin ang dalawang body guard. Bawat ng miyembro ng pamilya namin ay may isa o dalawang body guard para masiguro ang kaligtasan ng bawat isa. Pumasok na ako sa kotse. Sumakay na rin yung dalawang body guard sa harap. Yung isang body guard ay nasa driver seat. Siya ang magmamaneho habang yung isa naman ay nasa passenger seat.

Kinuha ko ang phone ko at tinext si Soobin na papunta na kami. Ibinalik ko na ang cellphone ko sa bag at napatingin sa labas. I was just looking the scenery that passed through me nung bigla akong nakatanggap ng isang text message. I looked at napag-alamang galing pala yun kay Jisung.

JISUNG:

We're here.

I typed my reply and clicked the send button. Ibabalik ko na sana ang phone ko sa bag nung bigla akong nakarinig ng mahinang putok ng baril. I looked up on the mirror view and saw the body guard on the passenger seat na naliligo sa sarili niyang dugo. He was shot in his head.

Lumingon ako sa katabi niyang body guard. He is holding a gun with a silencer. Agad kong hinawakan ang holder ng pintuan ng kotse sa gilid ko at akmang tatakas nung bigla siyang nagsalita.

"Isang maling galaw mo lang at sabog yang ulo mo."

Agad akong napahinto. Itinutok niya sa direksiyon ko ang baril habang ang isa niyang kamay ay nakahawak sa manibela. Ito na ba ang sinasabi ni Jisung? Ito ba ang tinutukoy niyang kapahamakan na naghihintay sa akin pag di ko nilayuan si Soobin?

Nung hindi na ako gumalaw, inilagay ng lalaki ang baril sa harap niya at nagsuot ng mask. Nakatingin lang ako sa bawat galaw niya, naghihintay ng tamang pagkakataon para makatakas. May inilabas siyang maliit na bote na may lamang liquid mula sa kanyang bulsa. Itinapat niya ito sa aircon at nagspray ng kaunti.

Kumunot ang noo ko. Anong ginagawa niya? Ilang sandali pa ay nakaramdam ako ng pagkahilo. Di kaya pampatulog ang laman ng boteng yun? Tanong ko sa aking isipan. Pero di ko na nasagot ang katanungang yun at nawalan na ng malay.

Soobin;

"Due to the lack of evidences, Choi Leo is proven not-"

"Sandali!"

Napatingin ang lahat sa pinanggalingan ng boses na yun. My eyes widen when I saw Jisung and Lia in the court room door. My anger and despair turns into instant joy and hope. I tilted my head towards Leo. Nagulat rin siya sa presensya ng kanyang dalawang anak.

Lia and Jisung walked towards the judge. Nagsimulang magbulungan ang mga tao sa paligid.

"Before you make any judgement about this case, we have something to confess..."

Ani ni Lia. Kumunot ang noo ng judge.

"Maaari ko bang malaman kung ano ang relasyon niyo sa suspect o sa biktima?"

Tanong ng judge sa kanila. Itinuro ni Jisung si Leo.

"He is our father and we are here to testify against him."

___________________________

After Jisung and Lia confessed and present some evidences, sa wakas nakamit na rin namin ang hustisya para kay hyung. No words can explain how glad I am. Pero agad napawi ang ngiti sa mukha ko nung naalala ko si Suri. She is still not here.

Second Best 「 Choi Soobin 」✓Where stories live. Discover now