46

420 27 5
                                    

Suri;

"Salamat sa paghatid. Sige, papasok na ako sa loob."

Paalam ko kay Jisung. Akmang papasok na ako sa gate nung bigla siyang nagsalita.

"Suri..."

"Hmm?"

He was about to say something pero itinikom niya muli ang bibig niya.

"Nevermind."

Hindi ko na lang siya tinanong pa. Pagod na rin kasi ako tsaka hanggang ngayon iniisip ko pa rin kung bakit hindi sumipot si Soobin.

Pumasok na ako sa bahay at inilagay ang bag ko sa sofa. Dumiretso ako sa banyo para maligo at magpalit ng damit.

Pagkatapos bumalik ako sa sala at umupo sa sofa. Kinuha ko yung phone ko sa bag, nagbabasakali na may text akong makikita galing kay Soobin. Pero nadismaya ako nung wala akong message na natanggap.

Humiga ako sa sofa. Tinitigan ko yung bubong ng bahay namin.

"Soobin... Bakit di ka sumipot kanina? May problema ba?"

Kausap ko sa sarili ko. Para akong baliw dito. Buti na lang tulog na sila mama at papa. Kinuha ko ulit yung phone ko. Mukhang kailangan ko na nga talaga siyang tawagan.

I dialed his number at pinindot ang call button. Nag-ring ang kabilang linya. Nakakailang ring na pero wala pa ring sumasagot.

'the number you have dialed is busy at the moment. Please try again later'

Pinatay ko na yung tawag. Wae? Bakit hindi siya sumasagot? Tinawagan ko ulit siya pero ganun pa rin. Siguro may ginagawa lang siyang importante at nawala sa isip niya na sunduin ako.

Inilagay ko sa mini table yung phone ko. Tinitigan ko ulit yung bubong. Ayoko pang matulog. Bumangon ako mula sa pagkakahiga at pumunta sa kwarto. Tinignan ko ang orasan. Almost 11 pm na.

Isinuot ko yung jacket ko at lumabas ng bahay. Alam kong di dapat pero masama pa rin ang loob ko kasi hindi ako sinundo ni Soobin kanina. Pakiramdam ko pinaasa niya ako.

Pumunta ako sa park malapit sa amin at umupo sa may swing. Tumingin ako sa langit. Nagsisimula ng magsilabasan ang mga bituin. Mukhang hindi na nga ata babalik ang ulan.

"Ano kayang ginagawa niya ngayon?"

Bulong ko sa hangin. Itinuro ko ang isang bituin at nagsimulang ikonekta ito sa ibang bituin para mabuo ang pangalan ni Soobin.

"Bogoshipo (I miss you)..."

Ani ko. The cold breeze touched my face. Niyakap ko ang aking sarili dahil sa lamig.

"Malapit ng maghatinggabi pero nagdadrama ka pa jan."

Napatingin ako sa direksyon ng boses na yun. Nakita ko si Jisung na nakaupo katabi kong swing. Nakatingin rin siya sa langit.

"Anong ginagawa mo dito? Sinusundan mo ba ako?"

Lumingon siya sa akin.

"Bakit naman kita susundan? Ano ka chix?"

Pabalang niyang sagot. Hindi ko na lang pinansin yun.

"Sige, sabi mo eh."

Walang gana kong sagot.

"May problema ba Suri?"

"Wala."

"Bakit pakiramdam ko wala ka sa mood? Nag-away ba kayo ni Soobin?"

"Ani."

"Sige, sabi mo eh."

Ani ni Jisung. Naging tahimik ang paligid. Nakatingin lang kami sa langit.

Second Best 「 Choi Soobin 」✓Donde viven las historias. Descúbrelo ahora