24

553 33 7
                                    

Suri;

Papasok na ako sa school. Natutulog pa rin si Soobin. Sinundot sundot ko yung cheeks niya.

"Soobin, gising na."

Idinilat niya yung kanang mata niya tapos pumikit ulit.

"Papasok ka?"

Tanong niya.

"Oo. Umuwi ka na sa inyo para makapagbihis ka at makapasok ka rin."

Bigla siyang bumangon. His messy hair, his sleepy eyes and his pouty lips. Ang gwapo niya pa rin kahit bagong gising. Bat ganun? Nung gumising ako kanina hindi naman ako ganyan. Ang dugyot ng itsura ko.

"No need to do it. I talked to my brother last night. Pumayag siya na dito muna ako tumira pansamantala. Sinabi ko sa kanya na girlfriend na kita. I told him na I can't sleep ng hindi ka kasama. Kaya ayun, naniwala naman siya. Ipapadala niya dito yung ilan sa mga gamit at damit ko."

Nanlaki naman yung mata ko. Ano to? Ginawa na niyang boarding house yung bahay namin? Tapos ako pa yung idinahilan niya. Ang dami ko naman atang role sa storyang to.

"Sige, mauna na ako sayo. Malelate na ako eh."

Ani ko at tumayo na. Pero biglang hinawakan ni Soobin yung kamay ko.

"Ano na naman?"

Tinuro niya yung right cheek niya.

"Yung morning kiss ko."

Napangiwi ako.

"Feel na feel mo na talaga yung pagiging jowa ko no? Hayuf ka! Ang aga aga ang harot mo."

"Suri naman eh."

Sinapok ko siya sa ulo.

"Umayos ka ha."

"Kiss mo na kasi ako."

"Oo, bukas."

Ani ko at akmang maglalakad nung hinila niya ako.

"Bakit bukas pa kung pwede naman ngayon?"

"Malelate na nga ako."

Tumayo siya at humarap sakin. Then suddenly, he gave me a peck.

"You can go."

He said and smiled at me. Kitang kita yung dmples niya. Natulala ako. He waved his hand in front of me.

"Suri?"

Kinurot niya yung cheeks ko. Napabalik ako sa katinuan.

"Natulala ka na naman."

He said and chuckled. Sinuntok ko yung sikmura niya. Namilipit siya sa sakit.

"Sakit no? Isang halik pa sa'kin at hindi lang yan yung aabutin mo."

Kinuha ko yung bag ko sa mini table at iniwan si Soobin sa kwarto. Namumula yung cheeks ko. Bakit ba ako namumula?

Soobin;

Anong oras na pero di pa rin naihahatid dito yung mga gamit ko. Kailangan na nga sigurong umuwi. Nagpaalam ako kay mama Saeron. Sumakay ako sa kotse ko na nakapark sa harap ng bahay nila Suri.

Habang nasa biyahe, tinawagan ko si hyung na uuwi ako. Nasa bahay pa daw siya kaya mukhang magkakaabutan kami. Binati ako ng guard nung pumasok ako sa subdivision. Ilang minuto din ang nakalipas bago ako nakarating sa bahay.

Dumiretso ako sa kwarto ko. Nagshower muna ako at nagbihis. I packed up some of my clothes at inilagay yun sa bagpack.

"Binnie?"

Second Best 「 Choi Soobin 」✓Where stories live. Discover now