37

585 34 14
                                    

Suri;

You look so beautiful today, Suri

You look so beautiful today, Suri

You look so beautiful today, Suri

You look so beautiful today, Suri

Sinampal ko yung sarili ko mentally. Gaga! Nagiging marupok na naman ako. Ginulo ko yung sarili kong buhok.

"Matagal ka ng maganda kaya hindi na big deal yung compliment na yun okay?"

Kausap ko sa sarili ko. Nagpakawala ako ng isang buntong hininga. Sinong niloko ko? Eh wala namang ibang nagsasabi na maganda ako maliban kay Soobin. I mean, siya lang kasi yung may malinaw na mata kaya ganun. He can see the vision. Tapos!

Inayos ko muna yung buhok ko bago lumabas ng staff room. Malapit ng matapos ang break time ko. Let's get back to work.

Pagkalabas ko ng staff room nakita ko si Seulbin oppa sa may counter. He smiled at me nung nakita niya ako. Lumingon din si Chae na pumalit muna sa'kin pansamantala.

"Oh? Ayan na po pala si Suri."

Ani ni Chae at ngumiti. Lumapit ako sa kanila.

"Suri, gusto kang kausapin ni Sir Seulbin. Wag kang mag-alala nagpaalam na siya sa Manager natin."

Sabi ni Chae. Lumingon ako kay Seulbin oppa.

"Hmm ano po ba yung pag-uusapan natin?"

Tanong ko sa kanya. Ngumiti siya. Ang gwapo niya talaga kahit kailan.

"I'll tell you later but first come with me."

Nagkatinginan kami ni Chae. Tuwang tuwa naman ang bruha. Akala siguro nito may namamagitan samin kay Seulbin oppa. Hello? Ano to? Child abuse?

"Magbibihis lang po ako saglit."

Tumango si Seulbin oppa. Nagmadali akong magpalit ng damit sa staff room. Pagkatapos kong magbihis, lumabas ako ng staff room at umalis na kami ni Seulbin oppa sa cafe. Sumakay kami sa kotse niya.

Hindi ko tuloy maiwasang mag-isip. Ano kayang pag-uusapan namin ni Seulbin oppa at kailangan pa naming umalis? Importante kaya yung sasabihin niya?

Napansin kong tinatahak namin ang daan patungo sa bahay nila. Don't tell me pupunta kami sa bahay nila? Magkikita na naman kami ni Soobin...

"Seulbin oppa, ano po ba yung pag-uusapan natin?"

Tanong ko ulit sa kanya.

"Let's talk about it later, malapit na rin naman tayo sa bahay."

Ani niya at ngumiti. Ngumiti na rin ako ng pilit. Hindi ako mapakali. Naiisip ko pa lang na magtatagpo na naman kami ni Soobin parang kinakabahan ako.

"Seulbin oppa, bakit po tayo pupunta sa bahay niyo? Pwede naman pong sa ibang lugar na lang."

Sabi ko. Bigla siyang tumawa. Napaisip ako. May nakakatawa ba sa sinabi ko?

"Don't worry, hindi ko sinabi kay Soobin na pupunta ka sa bahay so expect him to stay in his room. Hindi kasi siya lumalabas ng kwarto pag nasa bahay lang siya."

Tumawa ako ng pilit. Hahahahayuf! Sabi ko nga masyado akong advance mag-isip.

Nakarating na kami sa bahay nila. Lumabas na kami ng kotse. Ipinasok muna ni Seulbin oppa yung kotse niya sa garage nila kaya naghintay muna ako ng ilang minuto.

Habang naghihintay, nararamdaman kong nay something sa puson ko. Teka, naiihi ata ako. Dumating si Seulbin oppa.

"Let's go?"

Second Best 「 Choi Soobin 」✓Where stories live. Discover now