32

589 39 25
                                    

Suri;

Pauwi na kami. Magkahawak kamay kami ni Ryu habang naglalakad palabas ng campus. Excited na excited siya kasi pupunta kami sa Ice Cream Parlor.

"Kuya Soobin, kuya Soobin. Sasama ka rin po ba samin mamaya pauwi sa bahay?"

Tanong ni Ryu kay Soobin. He is also with us. Ayaw ko mang sumama siya sakin, wala na rin akong nagawa kasi kagustuhan yun ni Ryu.

"Hmm yep, ihahatid ko kayo pauwi."

"Dun rin po ba kayo matutulog sa bahay ni ate Suri?"

Nagkatinginan kami ni Soobin. Then he looked at Ryu.

"Hindi eh."

Nalungkot ang mga mata ni Ryu.

"Gusto ko po sanang makatabi kayo ni ate Suri sa pagtulog. Hindi pa po kasi uuwi si mama."

Nakapout lips niyang sabi. Huminto kami sa paglalakad. Binuhat ni Soobin si Ryu.

"Wag ka ng malungkot. Sa susunod bibisita ako sa bahay ng ate Suri mo tapos tabi tayong tatlo sa pagtulog. Okay ba sayo yun?"

Abot tenga ang ngiti ni Ryu. Tumango siya bilang pagsang-ayon.

Naglakad na ulit kami habang karga-karga pa rin ni Soobin si Ryu.

"Suri..."

Tawag ni Soobin sakin. I looked at him.

"Hmm?"

Kinuha niya ang kamay ko. Pinagtiklop niya ang mga kamay namin. Napatingin naman ako dun.

"Anong ginawa mo? Baka may makakakita pa sa'tin."

Ani ko at sinubukang kumawala sa mula sa pagkakahawak niya pero he hold me tight.

"Wag mong isipin ang iba, think of me Suri. Only think of me."

Sabi niya at naglakad ulit. Hinayaan ko na lang siya. He pulled me closer to him. Para kaming mag-asawa. A young couple to be exact.

Pumasok kami sa Ice Cream parlor. Kuminang ang mata ni Ryu. Pumunta kami sa counter.

"Anong gusto mong bilhin?"

Tanong ni Soobin kay Ryu.

"Gusto ko po ng choco ice cream. Yung maraming-marami na choco ice cream."

Masigla niyang sabi. Napangiti kami ni Soobin.

"Sige, I'll buy it for you. Eh si ate Suri mo, ano kaya ang gusto niya?"

He asked him. Nginitian siya ni Ryu.

"Siyempre ikaw kuya Soobin."

Natigilan ako sa sinabi niya. Soobin smiled. The kind of smile na hindi ko masabi kung ano.

"Talaga?"

Tumango si Ryu.

"Ryu, halika."

Ibinigay ni Soobin sa akin si Ryu.

"Saan mo naman napulot yun?"

I asked him. He looked at me innocently.

"Bakit ate? Di mo ba gusto si kuya Soobin? Ayaw mo ba sa kanya?"

Nagkatinginan kami ni Soobin. I smiled awkwardly.

"Siguro takam na takam ka na sa ice cream. Tara, maghanap na tayo ng upuan."

Pag-iiba ko sa usapan. Tumango si Ryu. Iniwan namin si Soobin sa counter at naghanap ng pwesto.

Nakita ko ang isang bakanteng mesa sa may left side. Pumunta kami duon at pinaupo si Ryu. I sat on the chair opposite to him.

Second Best 「 Choi Soobin 」✓Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz