03

739 47 11
                                    

Suri;

Panibagong araw na naman. Nakatulala lang ako habang nakatingin sa labas ng bintana. Paano ko ba makukuha yung atensyon ni Yeonjun oppa? Mapapansin niya kaya ako? Eh kung gumawa kaya ako ng love letter? Bulok na yun, di na oobra yun. Eh kung magconfess na lang kaya ako sa kanya? Kakayanin ko ba?

"Aish jinja!"

I said in frustration at ginulo yung buhok ko. Napatingin naman ako sa seatmate kong si Soobin. May kinokopya siya sa papel mula dun sa laptop niya. Siguro para sa Dance Club yun. Ibinaling ko na lang ulit yung atensyon ko sa labas ng bintana.

"May problema ba?"

Rinig kong tanong ni Soobin.

"Wala. May iniisip lang ako."

Sagot ko at umayos ng upo. Tumigil siya sa pagsusulat at tumingin sakin.

"Tell me, what is it?" tanong niya.

"Waw! Close na pala tayo ngayon?"

Sarkastiko kong sabi. Nagkibit balikat lang siya at bumalik sa pagsusulat.

"Sige, bahala ka. Isasama sana kita sa lakad namin nila Yeonjun hyung ngayon. Kaso di pala tayo close kaya wag na lang."

Agad naman akong kumapit sa braso ni Soobin. Napatingin naman siya dun pero di ako nagpatinag.

"Soobin-ah, gusto mo ng rice cake? O di kaya tinapay? Dadalhan kita bukas."

Kinuha niya naman yung kamay ko sa braso niya.

"Gusto ko sana, pero no thanks."

Ani niya at ngumiti. Inirapan ko siya. Grabe, ang pabebe ng tukmol nato. Nagpatuloy siya sa pagsusulat. Umob ob na lang ako sa desk. Mababaliw na ata ako kakaisip ng paraan.

"Boys hang out yun. Di kita pwedeng isama."

Explain ni Soobin.

"Okay."

Sagot ko na lang at inangat yung ulo ko. Napatingin ako sa wall clock. Malapit na mag 10:30 pero wala pa rin yung prof namin sa Biology. Bigla namang pumasok yung classmate naming pabibo.

"Guys, Sir Ahn won't be around today. May emergency daw na nangyari. Miss Secretary, ilista mo yung mga nandito ngayon for attendance."

Sabi niya. Bumalik sa dating kaingayan yung buong room. Napatingin naman ako kay Soobin na abalang abala sa pagkalukat sa laptop niya.

"Bat di na lang siya tumakbo bilang Mayor? Dinaig ka pa niya. Masyadong pabibo."

Bulong ko. Pinagmasdan ko si Harin. Nagreretouch siya ng make up sa upuan niya. Kahit kailan talaga napaka arte ng babaeng to. Masyado pang sipsip sa mga prof namin.

"Hayaan mo siya. Aware naman tayong lahat sa true colors niya kaya let her be."

Sabi ni Soobin habang tutok na tutok pa rin sa laptop niya. Nagsilabasan na yung mga classmate namin pagkatapos nilang mag attendance. Yung iba naman nagstay lang sa room habang naglalaro ng mobile games.

Lumapit ako sa Secretary namin at ipinalista yung name namin ni Soobin. Bumalik uli ako sa upuan namin at kinuha yung bag ko.

"San ka pupunta?"

Tanong niya. Isinuot ko yung sling ng bag ko.

"Sa library, pag-aaralan ko lang yung next topic natin sa History. Advance study ganun."

Sagot ko. Tumango lang siya. Lumabas na ako ng classroom at dumiretso sa library.

---------------------

Second Best 「 Choi Soobin 」✓Where stories live. Discover now