44

486 27 49
                                    

Suri;

Napakaseryoso ng mukha niya. Galit ba siya? Pero bakit naman siya magagalit? Pinatay niya yung tawag at lumapit sakin. Kinuha niya ang bag ko at isinabit ito sa balikat niya. Hinawakan niya ako sa pulsuhan at hinila ako papalabas.

"Soobin teka-"

Hindi niya ako pinakinggan at diretso lang siya sa paglalakad.  Hinagis ko na lang kay Jisung yung phone niya at nasalo niya naman yun. Tumayo si Jisung. Sa itsura pa lang niya halatang di niya nagustuhan yung ginawa ni Soobin. Naglakad siya palapit sa'min.

"Wait, do you really have to-"

Di na natuloy ni Jisung yung sasabihin niya nung nagsalita si Soobin.

"Wag mo kaming susundan kung ayaw mong ma ospital ulit."

Ma awtoridad niyang sabi saka hinila ako ulit. He is mad. That's a fact. Pero bakit naman siya magagalit? Dahil ba wala ako nung sinundo niya ako kanina?

Nakalabas na kami ng bahay ni Jisung. Dire-diretso lang siya sa paglalakad hanggang sa makalampas kami sa bahay ko.

"Soobin, lagpas na tayo sa-"

He suddenly turn around at humarap sakin.

"Bakit nasa bahay ka ng lalaking yun ha? You told me last night to get you here before 7:30 am but to my surprise, wala akong Suri na nakita. Yun pala nasa kabilang bahay na."

Biglang uminit yung ulo ko sa sinabi niya. So anong ibig niyang sabihin? Na imbes na hintayin ko siya sa ibang lalaki ako pumunta?

"First of all! Di ako pumunta dun sa bahay niya okay? Nilapitan niya ako kanina para daw maging personal nurse niya pero tumanggi ako. Tsaka hinintay kita kasi ayokong pagdating mo, wala ako. Second of all! Biglang dumugo yung sugat niya at dahil may konsensya akong tao tinulungan ko siya. Ngayon, may sira pala yung door knob ng pinto kaya na lock kaming dalawa. Okay na? Ayos na? O kulang pa?"

Pasigaw kong sabi. Galit na kung galit pero malinis ang konsensya ko. Wala akong dapat ika bahala kasi wala naman akong ginawang mali.

"Okay fine. I'm sorry... Nagseselos lang ako."

Napatingin ako kay Soobin. Ano? Nagseselos siya? Bakit naman siya nagseselos eh wala namang nangyari samin ni Jisung? Tsaka haler! Baka di siya informed na siya lang yung lalaking gusto ko. Hayuf!

Bigla ko siyang binatukan. Napa-aray naman siya sa ginawa ko. Tumingin siya sakin nang nakasalubong ang kilay.

"Bakit mo ko binatukan?"

Tanong niya.

"Para matauhan ka! Kalalaki mong tao ang drama mo!"

Ani ko. Hinimas himas niya yung batok niya. Bigla tuloy akong na guilty. Malakas ba yung pagkahampas ko? Lumapit ako sa kanya.

"Sorry na... Masakit ba talaga?"

Tumango siya. Inilagay ko yung isa kong kamay sa batok niya. Minasahe ko yung part na natamaan ng hampas ko.

"Gwaenchanha?"

Tanong ko. Tumango ulit siya. Minasahe ko ulit yung batok niya. Nagulat na lang ako nung bigla niya akong hinalikan sa pisngi.

Natigilan ako sa ginawa niya. Nanlaki ang mga mata ko while looking at him. Nginitian niya ako. Kitang kita na naman yung pinagmamalaki niyang dimples.

"You're blushing. Ang cute mo talaga pag namumula."

Tinamaan naman ako ng hiya. Agad akong lumayo sa kanya. Nag-iwas ako ng tingin. Yung puso ko, ang bilis ng tibok. Pakiramdam ko aatakihin na ata ako sa puso.

Second Best 「 Choi Soobin 」✓Where stories live. Discover now