50

435 22 3
                                    

Soobin;

"Sigurado ka na ba talaga sa gagawin mo?"

Puno ng pag-aalalang tanong ni Suri. Tumango ako.

"Yes. I will face Leo. I won't let him escape, not this time."

Suri held my hand. I know, she is worrying about me. She is afraid that something bad might happen to me if I step on my brother's case.

"Pero Soobin, delikado ang taong yun. Hayaan mo na ang mga awtoridad na gawin ang trabaho nila."

I looked at her and gave her a comforting smile. I caressed her hair. She is really beautiful and I can't get enough of her beauty.

"I will be fine okay? Just trust me on this. Hindi ako gagawa ng bagay na ikakapahamak ko."

She took a deep sigh and looked at me again.

"Ipangako mong mag-iingat ka at uuwi ka dito ng buo at walang galos o kahit anong sakit sa katawan."

Seryoso niyang sabi. Napatawa na lang ako at napailing.

"Baby relax, mag-uusap lang kami. Nothing more, nothing less."

I smiled at her pero puno pa rin ng pag-aalala ang mukha niya.

"Kinakabahan talaga ako sayo eh."

I chuckled again. I pinched her cheek.

"I told you, stop worrying about me. I'm just going to ask Leo about the crime he did. Hindi kami magpapatayan or anything na nakikita mo sa action movies."

"Kahit na, pano kung sasaksakin ka na lang niya bigla? o di kaya lalasunin ka rin niya katulad ng ginawa niya sa kuya mo. Naku! Wag kang iinom o kakain ng kung ano pagdating mo dun ha."

I pulled her closer and gave her a hug.

"stop thinking too much. Kakausapin ko lang siya at pagkatapos nun, magdidate tayong dalawa."

She hugged me tighter.

"Kahit wag na yung date basta umuwi ka lang. Labag man sa loob kong hayaan kang kausapin siya, susuportahan pa rin kita. Kung ito lang ang tanging paraan para mawala ang hinanakit mo, hindi kita pipigilan."

Suri said. This is what I like about her. She still understands me kahit na labag sa loob niya yung mga ginagawa ko. I remember the day when she still chose to keep my secret affair with Lia kahit na alam niyang mali. I remember those days when she still chose to help me in my misery kahit na naiinis siya sa akin. Even though we are not that 'good friends', but still she chose to be with me. Who would have thought na ang babaeng akala kong kaibigan lang ay siya palang babae na mamahalin ko ng ganito?

I broke the hug and kissed her forehead. Pinaglapat ko ang mga noo namin.

"No matter what happens, babalik at babalik pa rin ako sayo. Always remeber, mahal na mahal kita."

I said with sincerity.

"Mahal na mahal rin kita, Choi Soobin."

I smiled at her response. I cupped her face. Nanlaki naman ang mata niya sa ginawa ko.

"Anong ginagawa-"

I cut her off nung pinaglapat ko ang mga labi namin. her lips... It's still the same. Everytime we kiss, parang sumasabog ang puso ko sa tuwa. And I admit it, I never felt this way before.

I broke the kiss and looked at her. 

"See you later, baby."

I said and winked at her. I smiled, natutulala pa rin siya sa tuwing hinahalikan ko siya. Seems like my kiss affects her so much and that is a good sign.

Suri;

Umalis na si Soobin para kausapin ang tatay ni Lia. Oras na para ako naman ang kumilos. Kinuha ko ang bag ko at nagpaalam kay mama. Bibisitahin ko si Jisung sa ospital. Kailangan ko siyang makausap.

Matapos ang ilang minuto, nkarating na ako sa ospital kung saan isinugod si Jisung kagabi. Sinabi ni Eunbin unnie sa akin kanina kung saang floor at room number si Jisung kaya hindi na ko nahirapan sa paghahanap.

Pinihit ko ang door knob at pumasok na sa kwarto. Bumungad sa mga mata ko si Lia. Nakaupo siya sa tabi ng kama ni Jisung. Binabantayan niya ang kapatid niya na mahimbing na natutulog. Lumingon siya sa direksiyon ko nung napansin niyang bumukas ang pinto.

She looks so tired and stressed. Tinalikuran niya ako ulit. Naglakad ako papalit sa kaniya.

"What are you doing here?"

Walang gana niyang tanong.

"Gusto ko lang kausapin ang kapatid mo."

"Bakit? Hindi pa ba sapat yung mga sinabi niya sayo kagabi?"

"Lia-"

"You know what, I really hate you. Nung una pa lang kitang nakita hindi na kita gusto. Stop acting like you are the good one here. Alam ko naman na noong una pa lang gusto mo na si Soobin. You did all the things para masira yung pagtingin niya sa akin and when you knew the truth about me and my father's hidden agenda, you took the opportunity to bring us down. Ngayong nakuha mo na ang gusto mo, can you just leave us alone?"

Tumawa siya ng mapakla.

"It's sound so absurd but my brother is even in love with you. Kahit na alam niyang delikado, he still chose to tell you the truth. Wae? Ganun ka ba talaga kagaling mang-akit ng tao na pati kapatid ko nagawa mong paikutin?"

Ikinuyom ko ang aking kamao. Hindi ako dapat magpadala sa sinasabi ni Lia. Nandito ako para kay Soobin at hindi para sa sarili ko.

"Ngayon alam ko na kung bakit mas pinili ni Soobin na kalimutan ka imbes na ipaglaban yung nararamdaman niya para sayo."

Lumingon siya sa akin. Nagtama ang mga mata namin.

"Lia, ni isang beses ba nagsisi ka sa mga kasalanang ginawa mo? Ni isang beses ba, naawa ka sa mga taong sinaktan at ginamit mo? Sabi ni Jisung kagabi, ginamit ka lang din ng tatay mo kaya nagawa mo ang mga bagay na yun. Pero nung narinig ko yung mga sinabi mo tungkol sa akin kanina, sa tingin ko parang ginusto mo talaga yung mga nangyayari. You told me that I should stop acting like I am the good one in here and sana ikaw rin. Stop acting like you didn't do anything wrong kung in the first place, ikaw naman talaga ang dahilan kung bakit nangyayari ang lahat ng ito."

Agad tumayo si Lia mula sa kinauupuan niya.

"You don't know what I've been through kaya wag kang umasta na parang alam  mo ang lahat."

"Truth hurts, am I right?"

"You bitch!"

Sasampalin na niya sana ako nung agad kong hinawakan yung wrist niya.Sinubukan niyang pumiglas pero mas hinigpitan ko ang pagkakahawak.

"Hindi ko na hahayaan na tapak-tapakan mo uli ang pagkatao ko. Kung dati nagawa mo kong insultuhin, ngayon hindi na."

Iwinaksi ko ang kamay niya. Na out balance siya dahil dun at napaatras.

"Pumunta ako dito para sana kausapin si Jisung na tumestigo laban sa tatay mo. Maghahain ng kaso si Soobin laban sa kanya patungkol sa pagkamatay ni Seulbin oppa. Ngayon, kung may kaluluwa ka pa at may konsensya kang tao, tulungan mo kami. Ito lang ang tanging paraan para pagbayaran ng tatay mo ang kasamaang ginawa niya hindi lang sa mga Choi kundi pati na rin sa inyo."

Ani ko. Tinalikuran ko na si Lia. Akmang maglalakad na ako palabas nung bigla siyang tumawa. napalingon ulit ako sa kanya. She then looked at me seriously.

"Don't underestimate my father. He can do anything more than you know. My brother warned you and I think that's enough. Don't expect any help from us. We don't want to get involve in your mess. Makakaalis ka na."

"Pero-"

"Leave or else I will call the security."

Hindi na ako nagsalita pa at lumabas na ng kwarto. This is more stressful than I thought. They are crucial to this case. Kung tutulungan nila kami, malaki ang tsansa na maipapanalo namin ang kaso. Napabuntong hininga ako. I hope that we can find a strong evidence na magpapatunay na si Leo ang may pakana sa pagkamatay ni Seulbin oppa.




Second Best 「 Choi Soobin 」✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon