Chapter 22: Contestant

3 2 0
                                    

Ali.

"Come on Niya... Pwede namang next time nalang ang contest mo. I am in real danger! Sino ang uunahin mo? Yang contest mo o ako?"

Natawa lang siya habang nagiimpake. "Alix, hindi ka naman mapapano kung ikaw ang magiging contestant. May chance ka pa ngang manalo eh. Isa pa, may plus points kapag nanalo ka dun."

"I don't give a crap to the additional points. Pinipilit ako ng adviser natin sa sumali but I don't want to! I am not into that stuff. Isang kahangalan ng isang katulad ko na
sumali sa isang pageant."

"Hay nako, Alix. But seriously, mas importante talaga itong contest. Ito ang priority ko. Okay, susubukan kong kausapin ang teacher natin na wag kang pilitin, pero it's up to her kung makikinig siya, okay? I'll see what I can do."

"Mabuti."

"Siya nga pala, sasabay na sa akin si dad. Nagkaproblema daw doon sa companya sa Australia. Urgent na urgent daw kaya sasabay na siya."

"Sandali. You mean, ako nalang ang matitira dito? No."

"Nandito naman ang mga katulong natin. Hindi ka naman mag-iisa dito. Isa pa, safe naman 'tong subdivision natin kaya wag kang mag-alala."

"So kelan alis niyo?"

"Mamayang gabi. Pero aalis kami ng mga five sa hapon para walang delays."

"Bakit ba kasi sunod sunod ang mga nangyayari?" Kinuha ko ang bag ko. "Mauuna na muna ako sa school. May tinatapos pa akong assignment."

"Sige..ingat ka." Ginamit ko ang sasakyan ni dad papunta sa school.

"Orange!" Mabilis naman siyang lumapit sa akin. "Oh." Iniabot ko sa kanya ang bag ko. "Si Tyrese nga pala, nakita mo? O si Tyler."

"Nasa library sila. Ang totoo niyan, sunod ng sunod lang si Tyler kay Tyrese. Hindi kasi siya pinapansin ni Tyrese." TBH, inutusan lang naman ako ni Tyler na bilhin lahat ng pagkaing iyon para magpalakas kay Tyrese. Wala naman akong alam na 'makasimple' siya.

"Pumunta tayo dun. Tutulungan mo pa ako sa assignment ko." Naglakad kami papunta sa library. Pero narinig ko ang "Pretty Three" na nag chichismisan.

"Totoo bang hindi sasali si Jaimee sa pageant? If that's the case, ako na ang mananalo. Wala namang ibang maganda dito sa campus maliban sa atin. Palibhasa, sikat yang Jaimee na yan kaya siya nananalo. Tayo naman ang deserving."

"Alam mo Orange," Malakas kong sabi para marinig nila. "May mga tao talagang ang lakas mangarap noh? Kahit ang kapal kapal ng mga make up nila, mga mukhang plastik sila, may gana pa silang sumali sa pageant. As if naman mananalo sila. Mapapahiya lang talaga sila. If I were them, nako, hindi na ako mangangarap."

"Pinariringgan mo ba kami?! Akala mo hindi namin mapapansin?" Sabi ni ugly duckling number 1.

"Bakit? Feeling niyo ba may makapal kayong make up at mukha kayong pastic? Parang inamin niyo nang kayo yun eh. Wala akong sinabing kayo ah.." Pero parang ganon na nga.

"Huh, bakit, sasali ka din?" Sabi ni ugly duckling 1, "Kahit pareho kayo ng mukha ni Jaimee, hindi ka parin mananalo." Sabi ni ugly duckling 2, "Bobo ka kasi. Nagnanakaw ka lang ng answer key." Dugtong pa ni ugly duckling 3.

"Ah so, hindi pala kabobohan ang paninira niyo sa isang tao? Hindi pala kabobohan ang pagkulay sa buhok ng isang tao gamit ang poster paint? Hindi pala kabobohan ang pagsali ng isang bruha sa pageant?"

"Alam mo, umiinit na talaga ang ulo ko sayo!" Sinugod niya ako at sinabunutan.

"Kumukulo ang dugo ko sayong feelingerang palaka ka!" Sinapak ko ang mukha niya at tinulak sa putikan. "Wag na wag niyong kalabanin ako o ang kapatid ko. Naiintindihan niyo? Dahil sobra pa sa kahihiyan ang aabutin niyo sa akin." Kumuha ako ng isang dakot ng putik at sinabog sa dalawa. "Tara na."

A Drop Of BlackWhere stories live. Discover now