Chapter 30: Friends at Last

4 2 0
                                    

Tyrese.

"Bilisan mo!"

"This is already the fastest."

"Ano? Yun na yun?"

"Too tiring."

"Mamamatay na ako tulong naman!"
.
.
.
.
.
.
.

'GAME OVER'

.
.
.
.
.

"Bwiseeeet!" Tinapon ko ang controller sa unan. Hinarap ko siya. "Hoy, inalok mo akong mag multiplayer tapos iniwan mo naman akong mag-isa sa racing game na yun. Ang kapal mo ah!"

"I crashed too many times. I don't want to keep on losing." Eh palagi din naman akong nababangga, nagquit ba ako?

"Eh wala ka pala eh. Effort ako ng effort dun." Kinuha ko ulit ang controller. "Ano nang susunod na game?"

"Aren't you hungry? I'm hungry and tired. Can we at least take a break? We have been playing for five hours straight."

Bigla kasing bumisita sa bahay, nabored daw dahil wala ang parents niya sa bahay nila. Eh, wala daw kasama kaya pumunta sa bahay. Nakita niya ang play station ko kaya naglaro kami.

Tumayo ako at kinuha ang string bag ko. "Tara." Sinipa ko siya ng mahina. Tumayo din siya kaagad. "Kain tayo sa labas." Ngumiti naman siya at lumabas kami ng bahay. Siya na ang nagdrive.

"Where do you want to eat?" May nadaanan kaming kalinderya at nagtitinda sila ng barbecue sa labas.

"Dito, dito.." Nagpark siya at bumaba kami. "Yes, perfect."

"Here?" Tanong niya at nagtingin tingin sa loob. "You could eat these kinds of..."

"Siyempre." Hinila ko siya at umupo sa isang table. "Anong order mo?"

"I have no idea. Maybe, the barbecue outside?" Barbecue lang naman alam nito eh.

"Ilang stick?"

"It's up to you." Okay. Lumabas ako at nagpaluto ng,

"Hala ate, barbecue, isaw at hotdog lang pala dito? Walang atay o-"

"Ano ba miss? Oorder ba kayo o magrereklamo?" Psh, init ng ulo. Pasalamat siya ginagalang ko ang mas nakakatanda sa akin.

"Sampong barbecue po at sampong isaw." Mahina kong sabi. Inantay kong maluto ang pagkain at dinala ko sa mesa namin ni Tyler. "Oh eto."

"What's this?" Tinuro niya yung isaw. "I'm new to this so.."

"Isaw yan. Intestines. Subukan mo." Binigyan ko siya ng isang stick. "Try lang. It tastes good actually." Kinuha niya yung isang stick ng isaw. "Go on."

"It's good?" Tumango ako. Nilapit niya iyon sa mukha niya at inamoy. "Um..."

"Ang OA, bakit aamuyin mo pa? Kainin mo na kasi. Masarap naman niyan, hindi ka naman mamamatay pagkinain mo yan eh."

Tinikman niya muna yung sauce tapos nilayo sa mukha niya. "Ahh, I don't think so." Iaabot niya ulit sa akin yung stick pero tinulak ko ang kamay niya pabalik. "I don't want to.."

"Try lang.. Hindi mo pa nga kinain eh."

"I don't think it tastes good."

"Paano mo nasabi? Subukan mo lang. One time..." Nilapit niya ulit sa mukha niya ang isaw at tinignan tignan niya ito. Parang baliw naman 'tong kasama ko.

"Aish, I don't like it." Tinignan niya ako at mukhang hopeless na talaga. "I'll just eat the barbecue."

"Let's make a deal." Nakinig naman siya. "Kapag natikaman mo na ang isaw, friends na tayo. Pero kapag nandidiri ka padin, wag na wag mo na akong kakausapin."

A Drop Of BlackWhere stories live. Discover now