Chapter 24: Still The Tough One

3 2 0
                                    

"Ms. Ali, pwede po ba namin kayong makausap?"

"Isang interview lang po Ms. Mendoza."

Paparazzi. Kelan ba sila titigil? Sana hindi nalang kami nanalo. Sinusundan nila ako kahit saan! Ano ba 'to? Okay lang ba sila? "Ali, dito.." Tumakbo ako papunta kay Orange at nagtago. Nagtatago din pala siya. "Isa 'to sa dahilan kung bakit ayaw kong sumali."

"They are crazy. Kung nasaan ako, nandoon din sila. Sinusundan nila ako. Tama ba yun? Dapat may oras para sa interview. Hindi tulad nito. Ewan ko ba kung paano 'to hinahandle ni Niya."

"Mahaba ang pasensiya ni J at willing siyang sumagot sa mga questions nila."

"But I'm different. Paano tayo babalik sa classroom nito?"

"Tatakbo tayo on the count of three."

"One." Hinigpitan ko ang paghawak sa bag ko.

"Two." Hinawakan naman ni Orange ang kamay ko.

"Three."

Tumakbo kami paalis doon at dumiretso sa classroom. "Phew." Umupo kami sa upuan namin at nagpahinga.

"Ali! Theo!" Nabigla nalang ako nang bigla silang nagtumpukan sa glass window ng classroom namin. "Isang minuto lang!"

"What the heck?" Binaba ni Orange ang kurtina. "Anong nangyayari sa kanila? Bakit parang zombies sila?"

"They're hungry for information. Hayaan mo nalang sila. Kapag, nakita mo ang grupong yan, tumakbo ka agad o magtago. Hindi ka talaga nila titigilan."

"I can fight them. You don't have to worry."

Dumating ang iba pa naming mga kaklase at ang guro namin. Mabuti nalang at umalis na ang mga mang iinterview na iyon. Nagstart na ang lecture ni teacher at bumalik sa dati ang buhay ko. Hanggang sa recess...

"Hi Ali.. Upo ka dito." Sabi ng isang lalaki. Kung alokin ko kaya sila sa isang away, matatalo kaya nila ako?

"Wag mo silang pansinin. Fame seeker lang sila." Sabi naman ng isang lalaking lumapit sa akin. "Kung gusto mo, doon ka sa table doon sa dulo para walang sagabal sa recess mo." No thank you. Akala niyo wala akong alam sa mga style niyo na yan ah?

"Leave her be. Hindi siya pumapatol sa manyak na katulad mo." Sabi naman ng isa pang lalaki. "Ali, wag kang magpapaloko sa kanila. Wag kang mag-alala. Babantayan kita."

Hinila naman ako ng isang lalaki papunta sa kanya. "She can handle herself you idiot. Ang kailangan niya, sweetness para mabawasan ang pagkabad girl niya. Yan naman palagi diba?"

The heck is up with them boys? Anong nakain nila? Famewhores pala. Sipsip sa mga sikat. Don't try me.

"Uy Ali!" Sigaw naman ng isang lalaki tapos lumapit sa akin. "Sama ka sa amin mamaya manglilibre ako." I can't be fooled easily.. Akala ba nila, bumait ako nang sumali ako sa pageant na yon? "Tara." Hinawakan niya ang braso ko.

"Bitawan mo ako."

"Ano ka ba, wala naman akong gagawing masama sayo eh. Diba guys?" Sumagot naman lahat ng kaibigan niya ng 'Oo'.

"Bitawan mo nga ako! Hindi mo ba ako naintindihan? Kung ayaw ko, ayaw ko."

"Arte pa.." Hinila niya ako papunta sa table nila. Magkakaroon na sana ng food fight dito sa canteen kaso,

"Hoy." Napatingin kami sa kanya. "Bakit ba pinipilit niyo siya?" Hinila naman niya ako papunta sa kanya. Ang pandak na isdang 'to.. "Dun tayo sa likod. Wag ka dito. Puro manyak ang mga lalaki dito." Hinila niya ako papunta sa table sa likod.

A Drop Of BlackDonde viven las historias. Descúbrelo ahora