Chapter 29: Costume Party

5 2 0
                                    

Ali.

"Niya, what did you say to him?" Bungad ko sa kanya pagdating namin sa bahay. "Anong pinag-usapan niyo?" Nilagay niya ang bag niya sa couch.

"Wag muna ngayon Ali." Umakyat siya sa kwarto.

"Ano bang nangyari sa kanila?" Nilagay ko din ang bag ko sa couch at naghanap ng pagkain. Bigyan ko nalang muna ng space.
--

Gumawa ako ng corn soup para kay Niya. Hindi padin lumalabas sa room. Kumatok ako. "Niya?" May narinig akong mga yapak at binuksan niya ang pinto. "Oh. Baka gutom ka na."

"Pasok ka muna Ali." Pumasok ako at dala-dala ko ang soup. "Pasensiya na, medyo masama kasi ang pakiramdam ko ngayon."

"Kumain ka muna." Kinuha niya ang bowl at kumain. "Ano ba kasi ang nangyari?" Pinatong niya ang bowl sa side table. "Nag-away ba kayong dalawa?"

"Kasi Ali, si Theo.. Umamin siya kanina at sinabi niyang gusto niya ako." Wow. So hindi pala ako nagkamali.. Deny pa kasi.. "Ayoko namang masaktan siya kaya sinabi kong wag na siyang umasa."

"Agad agad?" Alam kong bitter ako pero tinuring ko na ding kaibigan si Theo kaya alam kong nasaktan siya. "Pwede namang sabay sila ni David manligaw sayo diba?"

"Pero I know, alam na alam kong wala talaga. Alam kong hanggang friends lang kami. Ayokong saktan siya. Ayokong umasa siya kaya agad ko nang sinabi yun."

"Pero sana naman binigyan mo siya ng chance. Kahit tatlong araw lang at least may ginawa siya. Hindi yung, umamin palang, busted na agad."

"Ali, hindi mo ako naiintindihan. Ayokong masayang ang effort niya. Ali, okay na ako sa decision ko. Wag ka nang makialam."

"I'm just saying this 'cause we're all friends here. Hindi naman sa nagmamagaling ako pero sana kasi binigyan mo muna ng chance. Kawawa yung tao."

"Ali, gusto mo ba si Theo?" Bigla niyang tanong.

"Paano mo naman nasabi yan?" Hindi ko gusto yung isdang yun, noh. Ew.

"You're so concerned about him. I think pinapalabas mo pang sobrang mali ako. Ako ang kakambal mo dito, diba? Dapat naiintindihan mo ako."

Okay, kung wala naman pala akong magagawa edi tatahimik na. "Okay sige. Desisyon mo naman yan. Ubusin mo na ang soup. Pinaghirapan ko yan."

Ngumiti siya. "Sige."

"Bababa muna ako. Magpahinga ka muna jan." Tumango siya at bumaba na ako. Sa couch nanaman ako matutulog..
--

"As our farewell party, magkakaroon tayo ng costume party. Okay ba 'yun?" Masaya namang sumang ayon ang mga kaklase ko. "Good. This will happen on Saturday next week. Mga 6:00 P.M. siguro." Gabi? Di pwede yan.."I expect your presence, Alison." Oh? Bakit ako?

Tumingin ako kay Niya. Tahimik lang siya sa upuan niya. Absent din ngayon si Theo. Ewan ko ba sa dalawang 'to. "Niya, pupunta ka ba?"

"Hindi." Tipid niyang sagot.

"Bakit naman?"

"Wala ako sa mood." Tsk, edi hindi nalang kakaausapin.

Napansin kong ang tahimik niya these past days. Simula nung umamin sa kanya si Theo. Si isda naman, ilang araw nang absent. Nagsimula din 'to nung araw na umamin siya.

Dahil wala naman akong choice, naghanap ako ng costume na isusuot.
...
...
...
...
...
Nevermind, timatamad ako.
--

--

К сожалению, это изображение не соответствует нашим правилам. Чтобы продолжить публикацию, пожалуйста, удалите изображение или загрузите другое.
A Drop Of BlackМесто, где живут истории. Откройте их для себя