Chapter 34: Sorry

6 3 0
                                    

"Kamusta si Theo? Saan siya natulog?"

"Nandoon siya sa guest room ngayon. Ayun, ang himbing himbing ng tulog niya." Umupo siya sa kama. "Ano ba ang nangyari? Bakit bad mood na bad mood ka pagdating mo?"

"I don't know if I should tell you."

"It's fine. You could tell me anything." Sasabihin ko ba kay Niya? Baka magalit siya? "Okay na tayo ngayon, diba? You can trust me Ali."

Huminga ako ng malalim. "Sige." Here it goes... "Nahalikan ko si Theo."

"You did what?!" Tinakpan ko kaagad ang bibig niya.

"Wag kang maingay. Baka magising pa siya." Tumango si Niya kaya inalis ko ang kamay ko sa bibig niya. "Aksidente lang naman yun dahil natumba kami, dahil nagpakalasing siya."

"Si Theo? That's a miracle."

"Eh paano? Pinilit nila Rosette na uminom. Iniwan ko muna sandali tapos pagbalik ko, ayun, lasing na lasing."
.
.
.
.

"So totoong nahalikan mo si Theo?" Masaya pa niyang tanong. "Grabe, nakuha mo agad ang first kiss niya."

"It was MY first kiss. Ang nakakainis lang, bakit sa kanya pa? I don't like him or anything. Hindi din naman kami magkasintahan kaya hindi pwede yun."

"Paano? Wala tayong magagawa jan.. Nangyari na eh. Kamusta? Anong feeling?"

"Aish, Niya!"

"Oh? Nagtatanong lang eh. May masama ba?"

"Ayokong maalala."

"Nung hinalikan mo siya... May naramdaman ka bang kung ano o you know.."

"Wala. Hindi ko siya nagustuhan. Paano ko naman siya magugustuhan nang dahil lang sa halik? I'm not one of those disney princesses."

"Okay, okay... I was just asking. Pero Ali... Wala ba talaga?"

"Sandali nga, Niya? Bakit parang ang curious mo yata?" Parang iba ang ipinapahiwatig niya eh. Iba ang meaning..

"I was just trying to know kung may gusto ka ba talaga sa kanya o wala. Dahil kung meron man, sobrang saya ko." Luh? Bakit naman? "I think bagay kayo."

"Heh, makamukha tayo. Parang sinabi mo rin na bagay din kayo. Isusumbong kita sa manliligaw mo."

"No.. I mean, you're bossy and you're strong.. Theo is somehow soft and weak, you know? Balance lang kayo. Parang ganon."

"It's not acceptable. Ayokong pag-usapan 'to. Matulog nalang tayo, umaga na oh." Kinumutan na namin ang mga sarili namin at natulog.
--

"NASAAN AKO?! KANINONG BAHAY 'TO?!" Nagising kami dahil sa sigaw ni Theo sa kabilang room. Tumakbo naman kami papunta sa kwarto niya.

"Hoy ikaw! Wag kang sumigaw."

"Dito ka muna pinastay ni dad dahil hindi nila alam ang bahay mo at masyado nang madilim kaya dito ka dinala nila Ali at dad."

"Kaninong damit 'to?"

"Kay dad. Alangan naman amin."
.
.
.
.

"Kailangan ko nang umalis." Pumunta siya sa restroom at maya maya pa ay lumabas siya doon, suot ang damit niya kagabi. "Maraming salamat sa inyo. Mauuna na ako." Bumaba siya sa hagdan.

"Tatawagin ko lang si kuya. Ipapahatid ko na siya." Bumaba din ako ng hagdan at pinakiusapan ang family driver namin na ihatid si Theo sa kanila. "Si kuya na ang hahatid sayo."

"Sige, salamat ulit." Papasok na sana siya sa sasakyan pero huminto siya. Ano nanaman ang pumasok sa isip niya? HALA! BAKA ALAM NIYA?! Bumalik siya at lumapit sa akin. "Ano palang nangyari kagabi?"

A Drop Of BlackWhere stories live. Discover now