Pagdating namin sa bahay, nagpaalam sina Niya at Dad sa akin. Nag iwan naman si dad ng allowance para sa akin kaya okay, walang probelma. "Ingat kayo. Goodluck Niya."
Kumaway sila at umalis. So anong gagawin ko dito? Wala namang assignments o kung ano. Movie marathon?
"Mukhang wala namang tao. Safe akong manood ng kahit na ano." Naghanap ako ng mga cds sa mga cabinet. Buti nalang nakita ko ang mga gusto kong panoorin.
--
'Flounder!'
"Oooohh! There's orange right there!!"
*knock knock*
Binabaan ko ang volume ng tv. Baka mabuking pa ako.
*knock knock*
"Sandali!" Tumakbo ako papunta sa pinto at binuksan iyon. "Anong ginagawa mo dito?"
"Nasaan si J? Nakaalis na ba siya?"
"Oo. Sige na, alis na." Isasara ko na sana ang pinto pero hinarangan naman niya iyon.
"Anong ginagawa mo dito?"
"Pakialam mo naman? Alis na. May tinatapos pa ako. Istorbo ka eh. Shoo." Sinara ko ang pinto at nilock.
Bumalik ako sa couch at nagpatuloy sa panonood.
*knock knock*
"Ano nanaman ba?!" Bumalik ako para buksan ulit ang pinto. "Wag ka ngang nanggugulo dito. Kung gusto mong makausap si J, tawagan mo."
"May narinig akong boses ni Ariel. Nanonood ka ba ng Little Mermaid?"
"What?!" Narinig ba talaga niya? "No! Baka kapit bahay lang namin. Tinatapos ko pa ang painting ko kaya layas na." Palusot ko.
"Bakit may remote kang hawak?" Napatingin ako sa kamay ko. Ang bobo...
"Wala ka nang paki dun. Alis na kasi! Sige ka, sisigaw ako dito."
...
...
..."Highblood? Oo na!" Lumayo siya sa pinto at sinara ko yun agad. Panira talaga... Bumalik ako sa pinapanood ko.
YOU ARE READING
A Drop Of Black
FanfictionAlison went back to her hometown to visit her sick mother. She ended up staying there forever with her twin sister. She wanted to stay dark and bad but she met new people. Her black life turned into something new.