Chapter 28: Best Friend's Feelings

2 2 0
                                    

Theodore.

"HAHAHAHAHAHA!" Nagising ako dahil sa pagtawa niya. "You look funny!" Mabilis akong bumangon at tinignan ang sarili ko sa salamin.

"The heck did she do to me?" May mga drawing ng kung ano ang mukha ko. Colored pa. "Ali!" Lumabas ako sa CR at binalikan siya. "Mukha kang iniihaw na baboy. Wag mo nga akong pagtawanan."

"Yaaaaann! Dito ka kasi natulog!" Iidlip lang sana ako pero wala eh. "Alam mo naman kung ano akong klaseng tao diba? Kasalanan mo yan.."

"Saan mo nakuha?"

"Wala, bumili ako sa labas para pagtripan ka. May problema ba tayo?" Mukhang nakaligo at nakakain na 'to ah.

"Kumain ka na?"

"Nope. Tara, kain tayo." Tumayo siya. "Bangon!"

"Aalis na? Hindi pa ako nakaligo."

"Eh may dala ka bang damit? Wala diba? Alangan namang pahiramin kita." Tumayo siya malapit sa pinto at tinaasan ako ng kilay. "Kakain ka pa ba? Mauuna na ako?"

"Sandali." Pumunta muna ako sa cr at nanghilamos.

"Bilis!"

"Oo." Lumabas ako at naghanap kami ng makakainan. Pero dahil adik sa manok 'tong kasama ko, Mang Inasal nanaman kami. Unli rice daw eh.

"Ako na ang mag-oorder at magbabayad. Maghanap ka ng bakanteng table doon." Umalis ako at naghanap ng table. Medyo puno na ang lugar kaya problema 'to.

"Blue?!" Sigaw niya. Alam ko na kaagad kung sino. "Mabuti naman at nandito ka." Lumapit siya sa akin. "Have you seen Ali? Hindi siya nakauwi kahapon."

Hindi ko alam kung dapat ko pa siyang kausapin. Pagkatapos ng text niya kagabi... Tapos yung sinabi niya pa sa akin sa bahay nila...

"Blue?"

"Hoy isda!" Sigaw ni Ali sabay palo ng number sa ulo ko. "Niya."

"Ali!" Yayakapin na sana ni Jaimee si Ali kaso tinulak siya ni Ali palayo. "Ali, why would you do that?"

"Sa tingin mo ba nakalimutan ko na ang sinabi mo sa akin? Lasing ka lang pero alam kong sayo galing ang mga sinabi mo sa akin."

"Sinabi? Anong sinabi?"

"Ano ba Niya? Wag ka nang mag maang-maangan. Alam kong alam mo ang sinabi mo sa akin at alam ko ang narinig ko."

"Ano? I don't know. The last time I talked to you was before you went to your room."

"So alangan namang triplets tayo? So sino yun? Kakambal din?"

"Ali, I didn't say anything offensive. Sigurado ako. Baka ibang tao yung nakausap mo."

"You know what you said? You said I'm bossy, suplada... You said I get everything I want. Palagi niyong sinusunod ni dad ang utos ko at naiinis ka na sa akin. You're tired of me. You don't like my attitude. Then you asked me to leave."

"Ali.."

"You really don't like me. Gusto mo nang sabihin sa akin ang mga bagay na yan pero hindi mo lang kaya diba? The truth, Niya."
...
...
...

"I admit, I sometimes don't like your attitude. I am helping you pero parang wala lang sayo at nagagalit ka pa sa akin. Kahit isang 'Thank You' wala eh. Kahit yan nalang sana."

"Bakit? Hindi ka makapaghintay? Magpapasalamat din naman ako sayo ah. Nadelay lang. THANK YOU, sa pagiging understanding mo sa akin, SALAMAT dahil tinanggap mo ako sa buhay mo. Happy ka na? I appreciate everything you did for me. Nahuli lang talaga ang pagpapasalamat ko sayo. Hindi ka makapaghintay na marecognize dahil sanay ka na palaging pinupuri."

A Drop Of BlackOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz