Chapter 27: Freed Servant

3 2 0
                                    

Ali.

"So...how did it go?" Si Niya. Nakatingin siya akin at kanina pa tinatanong tungkol sa pageant. "Did you win?"

"Malamang. Magkamukha tayo eh." Sagot ko naman habang inaayos ang gamit ko papunta sa school. "Nakakainis nga ang mga estudyanteng habol ng habol sa amin para interviewhin kami."

"Normal lang yan. Lalo na, Celebrity ka na ngayon. I'm so proud..."

"Isa pa... Kinukulit ako ng mga lalaki. Kung hindi ko lang talaga siniseryoso 'tong pag-aaral ko, matagal na silang hindi nakabalik sa school."

"Meron maman talagang nangyayaring ganyan. Wag mo lang pansinin... Anyway, how's Blue?"

"Ayun, masunurin padin. Palagi nga niya kami tinatakas sa mga paparazzing estudyante. Habulin padin at hindi pa din nawawala ang pagkanerdy niya."

"Ah, still the same Blue."

Pumasok kami sa school at siya nanaman ang dinagsa ng mga estudyante dahil panalo nanaman siya sa journalism.

Lumapit ako kay Orange at kusa niyang kinuha ang bag ko. "Si Tyrese at Tyler nasa canteen sila. Mukhang okay na rin naman."

"Macheck nga." Pumunta kami sa canteen. Nandoon nga silang dalawa, nagkukuwentuhan. "Okay na nga... Ano, pupuntahan ba natin o hayaan nalang muna?"

"Hayaan nalang muna. Kakaayos lang naman nila. Ngayon lang din sila nagkausap ng ganyan."

"Oo nga noh."

'CALLING THE ATTENTION OF ALL STUDENTS. DUE TO AN EMERGENCY MEETING AT THE DISTRICT OFFICE, CLASSES ARE SUSPENDED. YOU ARE EXPECTED TO GO HOME AND STUDY FOR YOUR QUARTERLY EXAMS NEXT WEEK. THANK YOU.'

Naghiyawan ang mga estudyante sa paligid. "Ang saya talaga nila kapag walang pasok." Ikaw lang naman ang hindi, dahil nerd ka. De biro lang..

"Siyempre. Nakalaya na ng kulungan eh... So what now? Sa'n punta?"

"Puntahan muna natin si J." Lumabas kami ng canteen at binalikan sina Niya.

"Guys! Excuse me muna ah.." Lumapit siya sa amin. "May konting salo-salo diba mamaya sa bahay?"

"Oo, tapos?"

"Dahil wala namang pasok, pwede bang iinvite natin ang nga close friends natin? Konti lang naman? Please? This will serve as a 'Thank you for the support'."

"Basta konti lang."

--

"Woooh! Thanks Jaimee ah! I brought my friends! The more the merrier diba?!"

"What the fu- Niya! Akala ko ba konti? Eh buong school na 'to."

"I didn't know they would invite their friends, and their Friends' friends... Hindi naman natin sila pwedeng paalisin. Nakakahiya."

"Ahh! Ang ingay." May biglang bumukas ng stereo namin. "Anak ng- Jusko, hindi niyo bahay 'to!" Tumakbo ako sa kwarto at nilock ang sarili sa loob. "Kabwiset." Binabaan ko ang temperature ng AC. Umiinit na ang ulo ko...

Nilakasan nila ang music nila sa ibaba kaya gumamit ako ng headphones. I. Deserve. To. Rest.

"Ali tulong!" Leche. Sinong nasa labas?! "Ali!!" Inalis ko ang headphones ko.

"Si Orange ba yun?"Binuksan ko ang pinto. "Anong-" Hindi niya pinatapos ang sasabihin ko. Pumasok agad siya sa kwarto at sinara ang pinto.

"Wag mo yang bubuksan."

"Bakit? At Sinong nagsabing pwede ka dito?"

"Kumpleto silang lahat. Hinahabol nila ako." Hingal na hingal siya. "Hay.." Bumagsak siya sa sahig.

A Drop Of BlackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon