Chapter 35: Regrets

9 3 0
                                    

"Wa-wala akong sinabi. Baka hindi ako ang narinig mong nagsasalita."

"Hindi, alam kong ikaw yun... Gusto mo ako?" Narinig nga niya. ANONG GAGAWIN KO?!

"H-ha?"

"Ali, gusto mo ako?" Ang seryoso ng tono niya. Napalunok nalang ako.

"Um.. Theo kasi, hindi naman-"

"So kaya pala bigla kang bumait sa akin. Gusto mong magpaimpress?"

"Ha? Do I look like someone who would do that? Of course not! Ano bang pinagsasasabi mo?"

"Kaya pala kinomfort mo ako kanina..."

"Theo, I am not-"

"Wag mo nang ideny, Ali. Ngayon palang sinasabi ko na sayo.. Wag mo nang ituloy, pigilan mo na yan, dahil hinding hindi kita magugustuhan."

"Bakit? Sinabi ko bang dapat magustuhan mo ako?! I'm not a desperate girl, Theo. Alam mo yan!"

"Eh bakit lapit ka ng lapit sa akin? Baka nga nagpapanggap ka lang na masama para hindi ko malaman na ang totoo, isa ka din sa mga babaeng habol ng habol sa akin."

"Wow, ang kapal mo! Wag mo akong ihalintulad sa mga fan girls mo! I'm not like them. Wag mo akong sabihan ng mga ganyang bagay dahil hindi mo pa ako kilala!"

"Tama na, Ali. At para ipaalala ko sayo, I will never fall for a bully like you." Bigla kong naalala ang sinabi ni Wen.

"Annie, we're done. Hindi mo ba talaga alam, na niloko lang kita? You know I'm seeing someone pero you acted like you know nothing. Do you reallly think, I'd fall in love with a bully like you?"

"Fine. Bully.. Masama padin pala ang tingin mo sa akin, all this time. Edi sana hindi nalang kita tinuring na kaibigan. Pareho lang pala talaga kayo." Bumalik ako sa classroom para kunin ang bag ko. "I knew this would happen.." Lalabas na sana ako pero nakaharang siya sa pinto.

"Saan ka pupunta?"

"None of your business."

"Ali, hindi ka pa pwedeng umalis."

"Fvck off, orange! I don't care! You filthy servant." Tinulak ko siya palabas at lumabas na ako ng room. "I saw this coming pero hindi ako nakinig sa sarili ko. Sinong nasaktan? Ako nanaman."

Nagdrive ako pauwi at dumiretso sa kwarto ko. Bakit hinayaan kong mangyari 'to? Nangyari nanaman ang pinakaayaw ko sa lahat.
--

*Ting*

Nagising ako at kinuha ko ang phone ko. "Sino 'to?" Binuksan ko ang message.

'Rinig ko nag-away kayo ng kaibigan mo. Or should I say, lalaking gusto mo. I'm so happy for you.'

"Sino 'to? Paano niya nalaman?" Nagsend ulit siya ng message.

'Siguro galit na galit ka sa kanya ngayon. But I'm gonna test you. May inutusan akong tauhan at minamanmanan niya si Theodore. Kapag hindi ka pumunta sa address na isesend ko sayo, papatayin namin siya. You know na kapag sinabi ko, gagawin ko. Kilala mo na siguro ako so I don't need to introduce myself. You have one hour para pag-isipan 'to. If wala ka padin mamayang 7:00, byebye Theodore.'

"Hindi maaari. Nandito nga sila?" Sila yung grupong sinalihan ko noon na pumapatay ng tao. Gusto nilang gumanti. Tinext nila sa akin ang address. "Bwisit." Malayo at tagong lugar ang meet up place namin. Tinignan ko ang orasan at wala na akong oras para pag-isipan 'to. Six o'clock na at kailangan kong dalian. "Alam ko na kung anong pinaplano nila." Maghanda ka Ali. Mukhang magkakanatayan kami mamaya.

Pinalitan ko ang suot ko ng puro maiitim ang kulay. Baka kung ano pang mangyari sa akin mamaya. Mabuti nang hindi puti ang suot ko.

Ginamit ko ang sasakyan at nagdrive papunta sa lugar na yun. Binilisan ko ang pagmamaneho dahil malapit nang mag alas siyete. Bakit ba kasi kati na kati na silang patayin ako?

A Drop Of BlackWhere stories live. Discover now