Imahinasyon
Simula ng ako'y natutong magbasa,
Ika'y unti-unti kong nakikilala,
Araw-araw ako'y sumasaya,
Habang sinisilayan ang iyong mga ginagawa.Sa bawat paglipat ng pahina,
Ako'y nakakaramdam ng kaba,
Hinihiling na sana'y di matapos
Ang bawat kabanata ng 'yong kilos.Mali pala ito..baliw na ata ako?
Isa pala ito ng tao sa libro,
Nakakatawa naman pala ito,
Nagkagusto ako sa taong nasa pahina ng libro.Nalungkot ako...Imahinasyon pala ito,
Habang palipat-lipat ang pahina,
Ika'y unti-unting nawawala,
Pero sa puso't isip ko ika'y nakatatak na.-----
YOU ARE READING
Mga Tula ni Miss R. (Original Composition)
PoetryTulang maaaring para sayo just read!💕 NO TO PLAGIARISM!👊