Kabataan ko
Masarap sigurong balikan,
Ang aking masayang kabataan,
Simpleng pagkakaibigan,
Dulot ay kasiyahan.Paggising sa umaga,
Takbo at habulan sa kalsada,
Tumabang preso't patintero'ng nangunguna,
Dagaktak na pawis sa mukha.Habang ako'y tumatanda,
Mga masasayang alaala,
Pilat sa likod at paa,
Tanda ng saya noong pagkabata.Ngayong tenedyer na,
Selpon at Gadget ang dala,
Mga larong pambata,
Unti-unting kinalimutan, nawala.Dahil sa makabagong teknolohiya,
Ito'y tinabunan at winala,
Mga masasayang alaala,
Ang aking pagkabatang alaala.______
![](https://img.wattpad.com/cover/186221457-288-k339620.jpg)
YOU ARE READING
Mga Tula ni Miss R. (Original Composition)
PoetryTulang maaaring para sayo just read!💕 NO TO PLAGIARISM!👊