Sa'yo 31- Distansya

27 2 0
                                    

Distansya

Sa patuloy na pag ikot ng mundo,
Ikaw pa rin ang tinitibok nitong puso,
Sa bawat kislap ng iyong mga mata,
Ngiti sa labi ang dala.

Mahal, itong tulang ito,
Nagmula ito sa'king puso,
Sinisigaw ng damdamin ko,
Na ika'y mahal na mahal ko.

Masakit mang isipin,
Na ika'y malayo saakin,
Milya man ang distansya,
Di ako maghahanap ng iba.

Ang dating madilim kong mundo,
Biglang nagkakulay at nagbago,
Nang ika'y makilala ko,
Nakalimutan ko ang mga negatibo.

Alam kong darating ang araw,
Na ika'y makikita ko,
Na ika'y mayakap ko,
Sa harap mo'y sasabihin ang mga nais ko.

Taon man ang ating hihintayin,
Pero ako'y mananatili pa rin,
Walang magbabago saakin,
Ikaw pa rin ang mamahalin.

Mananatili akong tapat sayo,
Kahit na ika'y malayo,
Tutuparin ko ang aking pangako,
Na sa altar ika'y ihaharap ko.

Pamilyang kasama ka,
Anak nating sobra lima,
Sa isang malaking bahay,
Kasama kita habambuhay.

Sa ngayon ika'y titiisin,
Taon muna ang hihintayin,
At pagdating ng tamang oras,
Hawak kamay tayo para sa bukas.

____

Mga Tula ni Miss R. (Original Composition)Where stories live. Discover now