Sa'yo 8 - special poem

80 3 0
                                    

Pagsubok patungong Tagumpay

Sa likod ng aking matatamis na ngiti,
Ay may lungkot at sakit na nakakubli,
Sa larawan ng aming masayang pamilya,
Ay may kadilimang dala-dala.

Ako ay isang babaeng nais magtagumpay,
Makapagtapos at makapagpatayo ng sariling bahay,
Para sa aking mahal na inay at itay,
Ako'y humihiling ng tagumpay.

Ngunit may harang sa aking paglalakbay,
Patungo sa aking ninanais na tagumpay,
Si tatay at may rayumang dala-dala,
Si nanay ay may diabetes na maaring lumala.

Paano na kaya ang aking mga pangarap?,
Kung sila'y nagtatrabaho't naghihirap,
Kaya't ako'y nagsusumikap,
Upang ang tagumpay at malalasap.

At sa abot ng aking makakaya,
Ako'y mag aaral at magtatyaga,
Dahil ang mga pagsubok sa aking buhay,
Ay gagawin kong inspirasyon para magtagumpay.

-----------

A/N: this poem is giving a little information about me..and yeah! Its all true..kaya ang mga problema mo ay gawin mo nalang motivation at inspiration..

Mga Tula ni Miss R. (Original Composition)Where stories live. Discover now