Sa'yo 21- Kumapit ka...Mahal

33 2 0
                                    

Kumapit ka...Mahal

Ako ay isang taong palaban,
Matapang at lumalaban,
Para sa ating pagmamahalan,
Na pangako'y walang iwanan.

Ngunit mahal bakit ka mangiiwan?
Asan na ang pangakong pinaglaban?
Salitang walang hanggan,
Ito ba'y lilimutin nalang?

Kumapit ka..Mahal kita,
Sana'y lumaban ka,
Wag mong tapusin sa paalam na,
Dahil ako'y masasaktan at masisira.

Isa lang ang aking hihilingin,
Kumapit ka't pangako'y tuparin,
Kumapit sa salitang pinangako natin,
Dahil ako'y lalaban at lalaban pa rin.

At kung di mo na talaga kaya,
Wag kang mag-alala,
Ika'y aking papakawalan,
Pero di sa puso'y kalilimutan.

____

Lovelots💕

Mga Tula ni Miss R. (Original Composition)Where stories live. Discover now