Sa'yo 30- Iresponsableng ama

28 2 0
                                    

Iresponsableng Ama

Nang isilang ako sa mundong ito,
Hindi ko inaasahan na siya ang magiging ama ko,
Amang di ko alam kung matino,
Kung paano siya nagkaganito.

Gabi-gabi lasing si ama,
Araw-araw kumakayod si ina,
Magkalaman lang ang aming bituka,
Upang di magutom kaming mga bata.

Mga masasakit na salita,
Kay ama unang natamasa,
Mga suntok at pasa,
Sa kanya lahat nakuha.

Minsan naitanong ko,
Bakit pa ako nabuhay sa mundo,
Di pa nga ako namamatay dito,
Naranasan ko na ang lupit ng impyerno.

Ako'y naaawa kay ina,
Dahil alam kong siya'y pagod na,
Pero lahat kinakaya niya,
Dahil kami'y mahal na mahal niya.

Kaya't ako'y mag-aaral ng mabuti,
Magtatapos at magwawagi,
Iaahon ko si ina sa libong dayami,
Ng problema't pighati.

Mahal ko ang ama ko,
Ngunit di ko kayang ipagmalaki ito,
Dahil ang pagmamahal ko,
Natabunan ng galit sa puso.

Araw-araw kong dinadasal,
Na siya'y magbagong buhay,
Na kami'y alagaan,
At hindi sinasaktan.

Ang mga masasakit niyang salita,
Ay gagawin kong isang punla,
Ng aking inspirasyon,
Para sa aking matagumpay na misyon.

_____

:'<

Mga Tula ni Miss R. (Original Composition)Where stories live. Discover now