Sa'yo 28- Malabong dasal

18 2 0
                                    

Malabong Dasal

Isa na siguro akong tanga,
Dahil sa'yo ako'y nagkakandarapa,
Mapansin lang ang halaga,
Kahit alam kong ito'y himala,

Buong pusong minahal,
Masungkit lang ang pag ibig na banal,
Nagmula sa iyong pagmamahal,
Subalit ito'y hangal.

Sa ating dalawa,
Ako lang ang nakakakita,
Na ika'y langit,
At ako'y lupa.

Mataas ang turing sayo,
Mababa naman ako,
Hindi ko alam kung paano,
Na ika'y ninanais ko.

Malabong mapagbigyan,
Ang aking kahilingan,
Na iyong pagsilbihan,
Ngunit ito'y panaghinip lang.

Ika'y mahal ko,
Ngunit ito'y malabo,
Dahil sa ating dalawa,
Ako lang ang nagmamahal ng kusa.

______

Ouch :<

Mga Tula ni Miss R. (Original Composition)Where stories live. Discover now