Sa'yo 14- Inay:Mahal kita

51 2 0
                                    

Inay: Mahal kita

Sa pag-apak ng aking paa sa lupa,
Kasabay ay ang pagpatak ng luha,
Unti-unting naglakbay ang aking diwa,
Mukha mong may ngiti at tuwa ang nakita.

Di ko ninais na ika'y mawala,
Araw-araw bigay mo saaki'y tuwa,
Sa malulungkot kong mata't mukha,
Nagyo'y unti-unti ng bumalik,lumala.

Inay bago kita bitawan,
Nais ko lang malinawan,
Kung bakit mo ako iniwan,
Ng walang sapat na dahilan.

Habang nakatingala sa madilim na kalangitan,
Ako'y may katanungan sa aking isipan,
Pagod ka na bang ako'y intindihin at alagaan?,
O baka ayaw mo ng mahirapan.

Inay sana'y masaya ka sa bago mong pamilya,
Dahil alam kong dito saamin ay di ka sumaya,
Kaya ka humanap ng pamilyang iba,
Pero salamat at ika'y masaya na.

Isa lang ang hihilingin ko,
Sana'y maging masaya ang bagong kapatid ko,
Alagaan mo sana't mahalin ito,
Dahil ni minsan ay di ko naranasan ito.

Ako sayo'y di galit,
Nagtatampo lang ng maliit,
Kahit nalilito ang isip,
Ako'y ngingiti kahit pilit.

Tatapusin ko na ito,
Nais ko ng isuko,
Ang iyong mga kamay,
Ngunit di sa puso kong matibay.

______

I dedicate this poem to my beloved bestfriend.. Para sa nanay niya..

Anyways lovelots!💕👑

Mga Tula ni Miss R. (Original Composition)Where stories live. Discover now