Kaibigan: Paalam
Nang ika'y makita,
Nagsimula ang ngiti sa aking mukha,
Ika'y naging kaibigan,
Ilang taon ang ating pinagsamahan.Nakasama sa iba't-ibang kalokohan,
Nang malungkot ay naging sandalan,
Pangako nati'y walang iwanan,
Hanggang sa simula't sukdulan.Ngunit dumating ang araw,
Na ika'y nagsimula ng umayaw,
Isip ko'y nanatiling litaw,
Nagtatanong, bakit ka bumitaw?.Kaibigan ko, ako'y may tanong,
Maaayos pa ba natin ito?,
Ang pagkakaibigan na pangako'y hanggang dulo,
Na kapit-kamay, at mga pangako.Ang ating mga alaala,
Sa aking isip ay di mawawala,
Dahil isa kang masayang memorya,
Na saaki'y napakalaking halaga.______
Lovelots👑💕
BINABASA MO ANG
Mga Tula ni Miss R. (Original Composition)
PoetryTulang maaaring para sayo just read!💕 NO TO PLAGIARISM!👊