Sa'yo 7- Tula para sa Ama ko

76 3 0
                                    

Tula para sa Ama ko

Ama, tatlong letra pero higit na pinapahalagahan ko,
Ang taong to ay mahal na mahal ko,
Walang ibang ginawa kundi mahalin at protektahan ako,
Na buhayin at pag-aralin ako,
Nais niyang makapagtapos ako,
Lahat kanyang tinitiis, masustentuhan lang ako.

Minsan kanya saakin sinabi,
'Na ika'y mag aral ng mabuti,
Upang ika'y magtagumpay sa huli',
Ito'y palaging nasa 'king guni-guni,
Hindi kinakalimutan ang kanyang mga paalala't sabi,
Na aking susundin dahil ito'y sa'kin makakabuti.

At kapag ako'y nakapagtapos ng pag aaral ko,
Siya'y tutulungan ko,
Lahat ng ginawa niya para makapag-aral ako,
Ay ibabalik ko ng higit pa sa limitado,
Dahil alam Kong siya'y naghirap ng todo,
Upang makapunta ako sa estadong ito,
At wala akong sawang sasabihin to,
"Itay ika'y mahal na mahal ko".

-------------

A/N: I dedicate this poem to my papa..love you pa!

Mga Tula ni Miss R. (Original Composition)Onde histórias criam vida. Descubra agora