Malaya ka na
Ako'y napaisip bigla,
Maaayos pa ba natin kaya?
Ang tuwa noong sa simula,
Ang pag-iibigang dati'ng masigla.Nagsimula sa salitang 'Mahal kita',
Nagtapos sa salitang 'Malaya ka na',
Dahil di ko na talaga kaya,
Ang walang kwentang tuwa.'Tong samahan na ito,
Walang patutunguhang gusto,
Ngayong malamig na ang trato,
Sakit lang ang dala sa puso.Kaya't bibigkasin na ang salita,
Na di ko na talaga kaya,
Ang malamig na pagsasama,
Kaya't ika'y Malaya na.____
Lovelots💕
![](https://img.wattpad.com/cover/186221457-288-k339620.jpg)
YOU ARE READING
Mga Tula ni Miss R. (Original Composition)
PoetryTulang maaaring para sayo just read!💕 NO TO PLAGIARISM!👊