Sa'yo 24- Nawala

31 3 2
                                    

Nawala

Pag-ibig na ating sinimulan,
Pangako'y walang hangganan,
Masaya sa umaga, gabi at tanghalian,
Tayo'y lubos na nagmamahalan.

Isang araw ika'y nagbago,
Wala na ang dating pagmamahal mo,
'Ayoko na', paulit- ulit na sinasabi mo,
Na dahilan ng pagkasira ko.

Ako'y nagtatanong,
Nasaan na ang pagmamahal mo noon?
Mga pangakong iyong tinugon,
Ngayo'y nawala't iyong binaon.

Pagmamahal mo'y nawala,
Na para bang isang bula,
Na kapag tatagal ay maglalaho't mawawala,
Na iyong nilimo't binalewala.

Ika'y aking papakawalan,
Pero di itatanggi sa sinuman,
Iisipin kong ika'y di nawala,
Kahit ika'y aking pinalaya.

____

Lovelots💕

Mga Tula ni Miss R. (Original Composition)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon