Ayos lang
Masaya naman dapat talaga,
Yong ako nung una,
Ngiti ko'y di nakapagtataka,
Sapagkat tunay siya.Hindi sana magbabago,
Yung dating masiglang ako,
Kundi dahil sayo,
Ako'y nag iba't nagbago.Ngiti kong masigla,
Napalitan ng pagtataka,
Nang dumating ka,
Lahat nagbago na.Ano bang mahika meron ka,
At ako'y binawian ng sigla,
Sinaktan at winala,
Naubos ang tiwala.Ayos lang,
Kahit ako'y nasasaktan,
Patuloy akong lalaban,
Hanggang ika'y makalimutan.Kahit na masakit,
Ako ay ngingiti kahit pilit,
Ika'y kakalimutan,
Babalik sa nakaraan._____
Ouch :<
![](https://img.wattpad.com/cover/186221457-288-k339620.jpg)
BINABASA MO ANG
Mga Tula ni Miss R. (Original Composition)
PoetryTulang maaaring para sayo just read!💕 NO TO PLAGIARISM!👊