Tadhana o pagkakataon?
Sa di inaasahan,
Ika'y aking natagpuan,
Paru-paro sa tiyan ay nagsiliparan,
Lalo na't ika'y nasaking harapan.Isip ko'y nagtatanong,
Tadhana ba o pagkakataon?
Na ika'y makasalamuha,
Upang puso ko'y makuha.Dila ko'y wari naputol,
Bituka'y nagkabuhol-buhol,
Mukha na yata akong nauulol,
Na kulang nala'y tumahol.Dati'y gusto lang kita,
Ngayon ako'y sigurado na,
Nais ng bigkasin ang mga kataga,
'Mahal kita mula pa sa simula'._____
Kyahh kinikilig ako nong ginagawa ko'to!
Wala sher ko lang!😅
Anyways lovelots!💕
![](https://img.wattpad.com/cover/186221457-288-k339620.jpg)
YOU ARE READING
Mga Tula ni Miss R. (Original Composition)
PoetryTulang maaaring para sayo just read!💕 NO TO PLAGIARISM!👊