Kasiyahang binabalot ng kasinungalingan
Sa ngiting kanyang pinapakita,
May lungkot na pilit tinatago niya,
Kasinungalinga'ng nais niya,
Pinagkakait ang totoong siya.Sa isang taong tulad niya,
Bakit pilit siyang ngumingiti't sumaya?
Kahit sa loob-loob ay nasasaktang siya,
Siguro ayaw niya lang ipakita kung ano talaga siya.Kasiyahang binabalot ng kasinungalingan,
Puso mo lang ang 'yong sasaktan,
Kaya't pagsisinungaling ay iwasan,
Ipakita ang totoong katauhan.At 'pag ika'y totoo na,
Ika'y makakalaya,
Sa lungkot na dating dala,
Ngayo'y totoong saya.____
Lovelots💕
ВЫ ЧИТАЕТЕ
Mga Tula ni Miss R. (Original Composition)
ПоэзияTulang maaaring para sayo just read!💕 NO TO PLAGIARISM!👊