Hakbang,Misyon,Laban
Sa bawat hakbang ng aking mga paa,
Alam kong ako'y may pag-asa,
Na matunton ang ninanais ko,
Tagumpay sa dulo ang gusto.Unti-unting sisimulan,
Ang paraan hanggang sukdulan,
Toga't diploma'y hahawakan,
Tagumpay aking sisimulan.Ngiti sa mukha ng aking magulang,
Ang naging inspirasyon para di magkulang,
Ang lakas at kaalaman,
Na higit kong kinakailangan.At nang ako'y nakatapos,
Alam kong ito'y hindi pa nagtatapos,
Ang laban na sinimulan,
Handang ipanalo ang ipinaglaban._____
Lovelots💕👑
![](https://img.wattpad.com/cover/186221457-288-k339620.jpg)
YOU ARE READING
Mga Tula ni Miss R. (Original Composition)
PoetryTulang maaaring para sayo just read!💕 NO TO PLAGIARISM!👊