Isang araw na maulan
Isang araw na ika'y sawi't luhaan,
Biglang bumuhos ang malakas na ulan,
Na wari'y nakikisabay sa iyong dinadamdam,
Minsan iyong naisip, mabuti pa ang ulan.Isang araw na maulan,
Tahimik ang kalsada't daan,
Ingay ng bubong dulot ng ulan,
Masarap na musikang pinakikinggan.Tanglaw ang madilim na kalangitan,
Malakas na buhos ng ulan,
Isang babaeng luhaan,
Nakatingin sa kawalan.Ano ba ang dahilan?
Na ang langi't babae'y luhaan,
Bakit nakikisabay ang ulan,
Sa sakit ng babaeng nasaktan.Siguro siya'y dinamayan,
Dahil siya rin ay nasaktan,
Bagsik ng kalangitan,
Babaeng luhaan.Isang araw na maulan,
Babaeng nasaktan,
Naghimagsik ang kalangitan,
Bumuhos ang malakas na ulan.____
Lovelots💕
YOU ARE READING
Mga Tula ni Miss R. (Original Composition)
PoetryTulang maaaring para sayo just read!💕 NO TO PLAGIARISM!👊