Sa'yo 26: Pangalawang magulang

21 2 0
                                    

Pangalawang magulang

Sila'y pangalawang magulang,
Pangalawa sa iyong hakbang,
Upang maturuan at magkaalam,
Para makapagtapos sa paaralan.

Guro kung tatawagin,
Sila'y magtuturo't aalamin,
Ang mga saloobin,
Ng mga estudyanteng mahiyain.

Mapa lalaki man o babae,
Strikto man o mabuti,
Ngunit sila'y iisa lang,
Mga pangalawang magulang.

Kung ika'y may problema man,
Sila'y pwedeng maging sandalan,
Sabihan ng sakit sa kalooban,
Iintindihin kahit sino ka man.

Mga pangalawang magulang,
Mahalin at alagaan,
Dahil sila ika'y tinuruan,
Upang matuto't magkaalam.

Guro'y mahalin,
At higit ay respitohin,
Dahil ika'y iintindihin,
Sabihan lang ng saloobin.

Gurong mapagmahal,
Nais kong bigyang parangal,
Dahil ako'y pinag aral,
Upang hindi maging hangal.

_____

10-4-19

Happy World's teachers day!

Mga Tula ni Miss R. (Original Composition)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora