Sa'yo 19- Ang RPW ay RPW

39 2 0
                                    

Ang RPW ay RPW

Mundo ng masasayang tao,
Dito walang huhusga sa'yo,
Pangit ka man o bobo,
Lahat pantay-pantay dito.

RPW, unang lugar na pinasukan ko,
Walang kaikilala ni kahit sino,
Naghanap ng maaaring maging kaibigan ko,
At ayun! Chinat niya ako.

Lalaking may magandang pangalan,
Nais niyang makipagkaibigan,
Ako ay umuo naman,
Dahil nais magka-kaibigan.

Di naglaon ako'y nahulog,
Sa kanyang matatamis na salitang hubog,
Kaya ngayon ako'y nalunod,
Nalubog sa kasinungalingang buod.

Ako'y may napagtanto,
Ang RPW ay sinungaling na mundo,
Hindi pala pwedeng mahulog ni kahit na sino,
Dahil tiyak na ika'y maloloko.

Ang RPW ay RPW,
Walang makatotohanan dito,
Kaya nga ginawang mundo ng mga manloloko,
Pipigain lang ang iyong puso.

RPW, mundo na unang pinasukan ko,
Mundong sa huli ay lalabasan ko,
Dahil ako'y naloko,
Ng lalaking minahal ko.

  ______

Mga Tula ni Miss R. (Original Composition)Where stories live. Discover now