Sa'yo 17- Pilipinas: palayain sa digmaan

46 2 0
                                    

Pilipinas: Palayain Sa digmaan

Mundong dati'y may kapayapaan,
Ngayo'y puno ng gulo't karahasan,
Magkaibang paniniwala't paninindigan,
Nagsimula ang ningas ng labanan.

Ano nga ba ang puno't dahilan,
Na ang mundo'y puno ng digmaan,
Pilipinas, perlas ng silangan,
Polong Mindanao puro digmaan.

Sa polo ng Mindanao,
Laban ng muslim at kristyano,
Paano matatapos ang sinimulang gulo?
Kung sila'y di nagkakasundo.

Batang musmos na walang alam,
Naranasan ang lupit ng digmaan,
Mga inosenteng mamamayan,
Nadamay ng walang kasalanan.

Gobyerno sana'y inyong solusyonan,
Ang walang humpay na digmaan,
Pilipinas, palayain sa karahasan,
Tao'y bigyan ng kapayapaan.

Ating simulan ang pagbabago,
Linisin ang galit sa puso,
Kalayaan sa ating mundo,
Matatamasa kung tayo'y magkakasundo.

_____

Lovelots💕

Vote and comment..

Mga Tula ni Miss R. (Original Composition)Where stories live. Discover now