PROLOGUE

849 23 0
                                    

Nandito na naman ako, naglalakad habang pinagmamasdan ang maliwanag na buwan.

Ramdam ko ang bawat paghampas ng hangin sa aking balat at nalalanghap ang nakakakalmang amoy ng dagat.

"Ah, grabe Gwendolen. Magiging ganito na lang ba talaga ang takbo ng buhay mo? Malayo sa kabihasnan, malayo sa mga tao. Tanging sarili mo lang ang maaasahan mo", natatawang sambit sa sarili ko

Gustuhin ko man ang lumabas sa aking pinagtataguan — ngunit ayoko nang makasira pa ulit ng buhay ng iba.

"If you do not want this kind of life, come back to me then"

Napatigil ako sa paglalakad at tila naestatwa ako sa aking kinatatayuan.

Ang boses na 'yon..... ang pabangong 'yon....

"Bakit? Why can't you look at me?", muli ay tanong niya

Napahawak ako sa laylayan ng damit ko at pilit na pinipigilan ang mga luhang gustong kumawala sa mga mata ko.

"Won't you look at me forever?", tanong niya

Napangiti ako ng mapakla sa sinabi niya.

Gusto ko — sa katunayan ay gustong-gusto kong tignan ka sa mata. Pero hindi ko alam kung papaano.

"Will you forever stay here and stay away from me?", tanong niya

Hindi ko alam kung paano ko ibubuka ang bibig ko. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat na isagot ko. Hindi ko alam kung dapat ba kong magpakatotoo.

"Quancey Gwendolen, you're really good at making me go crazy, don't you?", mariing sambit niya at ngayon ay halata na ang galit sa tono ng boses niya

Pero kailangan kong maging matatag. Ilang taon ang ginugol ko para makabuo ng malaking harang sa pagitan ko at ng ibang tao, kaya hindi ko hahayaan na masira lang ito ng ganun lang.

"Come back to me", mahinahong sambit niya

Gustuhin ko man, ngunit alam kong hindi na maaari.

Nagpatuloy ako sa paglalakad habang nakayuko.

Binilisan ko ang paglakad at nagkunwaring wala akong nakita, wala akong narinig.

Hindi, hindi ko siya kilala.

"Stop. Stop right there!", mariing sambit niya

Napatigil ako sa paglalakad nung marinig ko ang pagsigaw niya.

Para bang unti-unting bumabalik ang lahat sa akin.

Lahat ng mga alaalang matagal ko nang ibinaon sa lupa ay tila unti-unting bumabalik.

"God damn it, talk to me! Stop with the silence! Your silence is killing me!", sigaw niya

Hindi ko siya nilingon dahil alam kong nasa likod ko lang siya at alam kong maliit na lang ang pagitan naming dalawa.

Nanatili akong nakatalikod sa kanya ngunit unti-unti ko ring iniangat ang ulo ko.

"Then die", malamig na sambit ko

Mga katagang hindi ko ginustong sabihin, ngunit kailangan. Para matapos na ang lahat. Dahil ayoko na, pagod na ko sa ganito.

"What? What did you just say?", hindi makapaniwalang sabi niya

Huminga ako ng malalim. Siguro nga talaga ay ito na ang oras para siya'y harapin.

Unti-unti ay humarap ako sa kanya habang may ngiting nakaguhit sa aking mga labi.

Wish of a Broken Heart (Completed)Where stories live. Discover now